Chapter XLIII

892 30 1
                                    

Wala ng Space

"Hindi ako bababa!" Nasa tapat na kami ng bahay ko.

Napag-desisyunan kong sasama ako kay Jake kung saan mang lupalop niya pupuntahan ang Carrie na iyon.

"Baby naman. Sige na please, kailangan ko lang puntahan si Carrie." His voice is pleading to kick me out of his car.

"Sasama ako." I insisted.

He gave me a questionable look and heaved a deep sigh. "Sigurado ka?"

"Oo. Gusto kong makita si Carrie."

"Okay, ikaw ang may gusto niyan."

"Bakit mo ba siya itinatago sa akin? Ano mo ba siya? Sabi mo wala kayong relasyon. Bakit isang tawag lang niya pupuntahan mo na agad?"

"It's a long story Raine."

"I'm willing to listen. Mahaba pa ang biyahe."

Naiiling na muling pinaandar ni Jake ang sasakyan. Hindi pa kami nakakalabas ng village ay muli na namang tumawag si Carrie.

"Just stay there. I'm on my way."

Pagkatapos nilang mag-usap ay pinasibad na niya ang takbo. Seryosong-seryoso si Jake sa pagmamaneho at halos mapakapit na ako sa seatbelt para kalmahin ang puso ko.

"Jake, dahan-dahan lang please." Ayaw ko namang maaksidente kami nang dahil lang sa babaeng iyon. Ayaw ko ring maulit ang pinagdaanan ni Jake nang maaksidente siya. Hindi siya sumagot pero binagalan niya ng kaunti ang bilis namin.

Oh God please protect us. Mahinang nasambit ko nang nasa South Super Hi-way na kami.

"Saan ba naroon si Carrie?"

"Tagaytay."

Mabuti naman at sumagot siya. Doon pala kami pupunta.

Kitang-kita ang pag-aalala sa mukha ni Jake. Kaya hindi na ako nagtangkang magtanong ulit. Unti-unti nang nagiging berde ang paligid nang makapasok kami sa Sta. Rosa. Dahil papalubog na ang araw, buhay na ang mga ilaw sa kalsada at establishments na aming nadaanan. Binuksan ko ang bintana at naramdaman ko ang lamig ng hangin. Lumampas pa kami sa pulutong ng mga restaurants sa Aguinaldo Hi-way. Kumaliwa siya at nakita kong papasok kami sa entrance ng Days Hotel. Inihinto niya ang sasakyan sa parking.

"Dito ka lang muna. Pupuntahan ko si Carrie."

Tumango lang ako. Hinintay ko siyang makalayo ng kaunti pero hindi ko inaalis ang mata ko sa kanya dahil susundan ko siya. Ano ako baliw para hayaan silang magkasarilinan?

Lumiko si Jake kaya nagmadali akong lumabas ng sasakyan. Patakbong hinabol ko siya. Nakita ko pa siyang pababa ng hagdan. Agad kong tinungo iyon. Nang marating ko ang dulo ay isa pala iyong malaking garden na may overlooking sa Taal Volcano. Sa kabilang dulo ay may swimming pool at may mga mesa na nakaayos pa. May mga dekorasyon din ang lugar na animo'y pinagdausan ng isang kasalan. Pawang mga crew na lang ang naroon na nagliligpit. Nagtago ako sa likod ng isang may kalakihang halaman.

Nakita ko si Carrie sa isang mesa. May hawak na kopita at umiinom ng wine. Inagaw ni Jake ang kopita. Mukhang noon lang naramdaman ni Carrie ang pagdating nito kahit matagal-tagal na rin itong nakatayo sa harap nito.

Tumayo si Carrie at biglang yumakap kay Jake. Para tuloy sinaksak ang puso ko. Umiiyak siya, sigurado ako. Parang gusto ko na ring maiyak sa tagpong nakikita ko. Matagal-tagal ring magkayakap ang dalawa. Kating-kati na rin akong lumabas dito sa pinagtataguan ko para paglayuin sila.

Shit naman! Matatagalan ko pa ba ang panonood nito?

Aalis na sana ako nang may bumulagang pusa sa tabi ko. Ngumiyaw ba naman ng ngumiyaw. Ang lakas ng ingay niya kaya napalabas ako sa pinagkukublihan ko. Sukat ba namang mas lalo pa siyang umingay kaya tuloy nagtawag ng atensyon. Paglingon ko sa pwesto nina Jake, nakita kong nakatingin na sa akin sina Jake at Carrie. Tatakbo pa sana ako pero pinuntahan ako ni Jake.

My First Kiss Stealer (Completed)Where stories live. Discover now