Chapter XVIII

1K 37 3
                                    

First Kiss

Kainis talaga si Dennis. Ang kapal ng face niyang hindi ako sunduin papuntang Manila Hotel para sa aming Christmas ball. Ang lakas ng loob pang magpaalala na dapat di daw ako ma-late at dapat daw ay ready na ako pag dumating na siya by 6PM.

Tapos magte-text na magkita na lang kami sa venue dahil may "emergency". Maniniwala na sana ako sa emergency na sinasabi niya kung di kami nagkausap ni Casey at sinabing nakita niya pa si Dennis sa mall ten minutes ago na may kasamang ka-date.

Aghh!

Not that I'm jealous or something.

It's the fact na hindi ko naman siya gusto para maging date ko. Siya pa ang nagpresinta tapos pagsundo lang sa bahay di pa magawa.

Anyway, andito na ako sa Manila Hotel.

"May maghahatid ba sa iyo Ms. Raine?" Tanong ni Mang George.

"Wala naman po. Paki-hintay na lang ako." Sabi ko pa bago lumabas ng kotse at tinanggap ang kamay ni Mang George para alalayan akong makalabas. "Thanks po." I smiled and then walked towards the grand entrance.

Sa Grand Ballroom ang venue ng ball. It's 8:15 in my watch. The ball should have started pero pakalat-kalat pa ang mga grade 12 students ng St. Therese Academy.

I got myself registered before I came inside. Mga estudyante ng grade 11 ang nag-assist sa kin. Naalala ko pa last year, kami iyong nasa posisyon nila.

Masquerade ang theme ng ball. Kaya yung mga mask na ginawa para sa min ay andun sa isang table.

"Pick the mask you want on that table, Raine. Make sure you are wearing it upon entering the hall." Nakangiti pang sabi ni Trina.

"Thanks." I walked near the table.

Gosh! Pare-pareho ang design ng mga masks. Kulay silver siya na may white feather on the right. I got one and wore it. Yung sa mga boys ay kulay black. Medyo malaki ang cover niya sa face unlike sa min na mata lang talaga.

I passed by a large mirror at di ko naiwasang tingnan ang aking reflection. I'm wearing a floor-lenght strapless open back pink gown paired with a pink stilleto. Nag-match naman ang mask nang maisuot ko ito.

As I entered the hall, I was amazed on the decorations. It's like Elsa's Palace in Arendelle came to life. May mga ice carvings pa at may snow na pumapatak doon sa stage. Kaya pala ang lamig. Wala man lang akong dalang shawl.

I started texting Casey.

Me: Where are u?

Casey : Near the stage left side.

I hardly knew my classmates. Ang gaganda at ang popogi nila tonight even with their masks on.

Got you Casey. She's in the table with her boyfriend Tristan wearing a black tux. She's wearing a one shoulder blue gown. They both look stunning.

"Hi Case. Hi Tristan." I said.

Nag-beso kami ni Casey. Tristan just raised his hand acknowledging me.

"Saan na si Dennis?"

"I don't know." I said while pulling a chair and then sit beside Casey. "Baka nambababae pa."

"I told you, you should have asked somebody else instead of him."

"Siya kaya ang makulit. Ayaw ko naman talaga."

"Well, anyway, marami namang boys d'yan. Baka may makikilala ka na this time na future boyfriend mo. Please lang... stay away from Michael."

"I know Case. I'm so over him."

My First Kiss Stealer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon