Chapter XV

1.2K 36 1
                                    

Fall For You

Malaki-laki rin ang kinita ng fund-raising concert ng The Calendars. Kahit na pagod at puyat ang inabot namin kagabi ay sulit naman. Kahit pa nga sumasakit ang ulo ko sa paga-account ng income and expense report dito sa editorial staff office namin ay ayos lang.

Actually, sina-sideline ko lang ang pagko-compute. Ang totoo niyan nagbi-brainstorming kami para sa layout ng Christmas issue ng school paper. Ready na ang mga articles. Iyong pagkaka-sunod-sunod na lang, iyong hitsura at iyong cover ang inaayos namin. Ipinaubaya ko na muna kay Trixie, iyong layout editor ko na nasa grade 11, na nangangapa pa doon sa software na ginagamit niya. Buti na lang nagpresinta itong si Jake na tulungan siya. Dapat ang gagawin ko ay ang editorial write-up. Kaya lang nang makita ko iyong editorial cartoon na ginawa ni Jake ay lalo pang sumakit ang ulo ko dahil mala-graphic novel ba naman ang ginawa. Wala kasi si Ronan na siya talagang cartoonist namin. May dengue fever daw. Kaya itong photojournalist na si Jake ang pinakiusapan ng adviser namin.

Dahil tungkol sa pasko ang tatalakayin ko, na-mental block ako. Malamang dahil sa puyat na rin. Inumaga na kasi kami sa pag-a-asikaso ng cleanup at pagbabayad sa mga suppliers.

"Excuse me. Jake, pwede ba kitang makausap sandali?"

Napa-angat ang ulo ko mula dito sa kinu-kwenta ko diretso tingin doon sa nagsalita sa may pintuan.

Guess what kung sino?

Si Amber.

Wow! Ang ganda na ni Amber! Nakalugay ang dating naka-pigtails na buhok, may bangs pang kasama. Wala na rin itong eyeglasses. Ang kilay proportion ang pagkaka-ayos at naka-lip gloss ang lola. Nagdadalaga na!

E di siyempre, automatic na napagawi ang mata ko kina Jake at Trixie doon sa may computer.

"Sandali lang Trixie." I heard Jake said. He walked towards Amber with all smiles. Parang di naman siya nagulat sa bagong look ni Amber.

Lumabas sila ng office.

Fine.

Back to my computation.

Compute... compute ... compute...

Saan kaya nagpunta ang dalawang iyon? Baka nag-aya na umuwi si Amber tutal 5 PM na rin naman. Siguradong lalong mai-in-love si Jake kay Amber lalo pa at ang galing ng pagkaka-make-over niya.

Teka nga! Bakit ba iyan ang iniisip ko. Mali-mali tuloy itong pini-pindot kung numbers sa calculator.

"Raine, may poetries ka bang iko-contribute this issue?" Tinatanong pala ako ni Trixie.

"Ha?" Nqg-isip muna ako kung kerin nga ba. "Oo meron. Bigay ko sa iyo sa Monday."

Bigla namang pumasok na si Jake. May dala siyang regalo. Isang katamtamang box ang laki, may dala pang cake from Tous Les Jous.

"Ang sweet naman ng girlfriend mo may cake at gift pa." Try ko lang na asarin. "Birthday mo?"

"Medyo lang..." Sagot niya at bumalik na sa tabi ni Trixie doon sa computer table.

"Jake, happy birthday." Narinig kong bati ni Trixie.

"Birthday mo nga?"

"Ewan ko sa iyo." Sinumangutan ba naman ako at bumalik don sa ginagawa nila ni Trixie.

"Ang sungit! May dalaw ka?" Dedma and beauty ko.

Inabala ko na nga lang ang sarili ko dito sa dapat na isusulat ko. Ano bang magandang editorial? Ano ba ang napapanahong komentaryo sa mga estudyante ng eskwelahang ito?

My First Kiss Stealer (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ