Chapter XL

963 31 1
                                    

Transparency

I didn't know that kissing the person you love can literally make your own world stop. I wasn't aware of my surroundings anymore. Kahit nga siguro magbagsakan man ang mga meteors at asteroid sa labas ay wala pa rin kaming pakialam ni Jake.

Our kisses are getting deeper and I can't stop myself from responding. These kisses could be our make-up kisses for the lost times we had. I felt my back slowly reaching the sofa. I can't describe how my heart beats so fast as Jake and I continued to explore each other's mouth. He is good at it. I don't know where he learned this. Very very far from the sweet kiss he gave me during our highschool ball.

Nagma-mature din ba ang paraan ng paghalik sa tagal ng panahon?

Ako kasi hindi ko alam, sa totoo lang. If my kisses were that bad I hope Jake won't mind. Because I'm a very willing student if he will just teach me.

Kung iyong mga meteors ay nalaglag na mula sa langit at di pa rin namin namalayan. Iyong nabasag mula sa loob ng silid ang siyang nagpatigil sa mapupusok naming labi. Kasi naman kanina pa pala naroon si Ate Maring dala ang merienda na pinahanda ni Jake. Kung hindi pa nabasag iyong platito ay malamang sa kung saan na nauwi ang aming halikan.

Nakakahiya at nahuli pa niya kami.

"Pa-pasensiya na po Sir ..." Natatarantang sabi niya.

Napatakip na lang ako sa aking mukha sa kahihiyan. Feeling ko mas mapula pa ako sa hinog na kamatis.

"Hindi ko po sinasadya. Bukas po kasi ang pinto at naka-ilang katok na ako kanina. Kaya akala ko ay..."

"Pasensiya na rin po Ate Maring." Inayos ni Jake ang sarili at tinulungan si AteMaring sa pagpulot sa mga piraso ng platito. "Sa susunod po magla-lock na kami."

"Jake!" Saway ko sa kanya. Aba't di na nahiya ang lokong ito. Nagtakip ulit ako ng mukha.

"Kukuha lang ako ng walis at dustpan." Nagmamadaling lumabas si Ate Maring.

Umupong muli sa tabi ko si Jake. "Huwag ka ng mahiya Baby." Inalis niya ang mga kamay ko sa aking nagtatagong mukha. "Di naman iba si Ate Maring."

Hawak naman niya ang mga kamay ko. "Anong di na mahiya? Dyahe kaya. Ikaw talaga..." Kunwaring naiinis na sabi ko sabay hampas sa braso niya. Ngiting-ngiti naman si Jake ng umilag sa akin. Napansin kong nagkalat iyong lipstick ko sa lips ni Jake. May tissue box doon sa may side table. Inabot ko iyong tissue paper at ipinahid iyon sa labi niya. "Bagay sa yo ang lipstick."

Ang sarap halikan ng mga labing ito... Kakahiya man pero kiss pa more sana...

Nakita kong may pilyong ngiti sa mukha ni Jake. Ano naman kaya ang naiisip niya?

Pareho kaya kami ng naiisip?

Bigla akong lumayo sa kanya nang marinig ko ang katok sa pintuan. Malamang na si Ate Maring ulit iyon. Tama nga ako. May bitbit na siyang walis, dustpan at dalawang platito.

Nang matapos siyang magwalis at makalabas ng silid ay tumayo si Jake para ilapit ang mini table na may gulong na siyang pinaglagyan ng pagkain.

"Mag-merienda na nga lang tayo. Baka kung saan pa tayo mapunta?" Inabot niya ang platito na may slice ng chocolate cake.

Nang mag-normal ang tibok ng puso ko pati na rin ang takbo ng utak ko ay saka ko naalala ang pakay namin sa Laguna. "Aabutan pa ba natin ang planta pag ngayon pa lang tayo bumiyahe ulit?"

"Di na tayo pupunta doon." Sagot niya matapos sumubo ng cake at tumabi ulit sa akin.

"Paano iyong fish leather ko?"

My First Kiss Stealer (Completed)Where stories live. Discover now