Chapter XLI

936 31 5
                                    

Day One

Isinilid ko na sa keyhole ng aking Wigo ang susi nang biglang mag-ring ang aking cellphone na nakapatong sa katabing upuan. Nagmamadali na ako dahil male-late na ako sa trabaho. Natuto na akong mag-drive sa London kaya ako na ang nagmamaneho sa sarili ko ngayon. Iyong favorite driver kong si Mang George ay kay Mommy na nagmamaneho.

Si Jake ang nasa kabilang linya. "Tawagan kita mamaya. Paalis na ako," mabilis na sabi ko para tapusin agad ang usapan namin. Kailangan ko talagang makapasok ng maaga ngayon.

"Good morning Baby. Ano ba namang klaseng morning greeting iyan, rejection agad." May himig pagtatampo ang boses niya.

"Sorry na. I'm in a hurry talaga." Nag-start na ang makina.

"Andito ako sa labas ng gate n'yo. Ihahatid na kita sa office."

Nagulat ako sa sinabi ng boyfriend ko. Naks! Boyfriend daw. Kinilig naman ako sa isiping iyon. Day one pa lang namin ngayon bilang official couple. Di nga ako nakatulog kagabi kasi magka-cellphone babad kami hanggang alas tres ng umaga. Di matapos-tapos ang goodnight namin sa isa't-isa hanggang sa nakatulugan ko na nga.

"Di ba may klase ka ngayon?" I recalled he said that last night. He's taking an online course in Dela Salle University pero nire-require silang mag-attend ng regular class once a week.

"Yup. But I'll drop you to your office first then fetch you later in the afternoon. Lumabas ka na d'yan."

"Jake, you don't have to do this."

"I love to do this. I would gladly serve my queen." Ang lambing lang ng boses niya.

Di rin naman ako mananalo kay Jake. Kaysa pagtalunan pa namin ang commuting issue for the day ay minabuti ko ng i-off ang makina at lumabas ng kotse. Kinuha ko na ang mga gamit ko para makalipat na sa kotse ni Jake.

When I opened our gate, my hot boyfriend is leaning on his car wearing a white-collared Polo shirt, jeans and a Wayfarer. He smiled when he saw me and rescued my bags that were about to fall from my shoulder.

"Good morning Baby." He smiled sweetly.

Buo na ang araw ko. Bakit ba ang guwapo ng nerd na ito ngayon?

"Morning." Kunwari pormal. Di ko pinahalatang kinikilig ako sa gestures niya.

He put my things on the backseat. I went straight to the frontseat and tucked myself inside the seatbelt. I sat comfortably but I was caught off-guard when Jake pinned me to give a quick morning kiss.

"I missed you," he whisphered after.

"Missed agad." His forehead is resting on mine. My heart started to flutter again. I tried my best to stay calm. "Ilang oras pa lang tayong di nag-uusap. Kasalanan mo kung bakit late na ako nagising."

He went back to his seat and started the engine. "Fine, I'll take the blame. How about breakfast?"

"Sorry, nagmamadali talaga ako. Kailangan namin ni Minnie i-meet yung cutters first thing today. You see they were jampacked on their schedules. Baka masingitan pa kami nina Micah. Di ba nabanggit ko na sa iyo kagabi iyong Micah na iyon."

"Huwag mo na lang pansinin. Lalo ka lang maaaburido pag pinansin mo iyon. May mga tao talagang likas na mainggitin."

Naubos ang forty minute drive namin on the way sa office sa kulitan at mga lecture niya sa mga nangmamata sa akin sa office. Specifically, Micah's group.

"May OT ka ba today?" Tanong niya habang inaalis iyong seatbelt ko. Nakuha na rin niya iyong bags ko sa likod.

"Di ko sigurado. Alam mo kasi iyang si Dennis, teribleng maging boss. He is so perfectionist."

My First Kiss Stealer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon