Chapter 20:Arrested

Start from the beginning
                                    

Hindi ko na lang sila pinansin at kinuha na lang ang phone. Busy mode kuno muna!

"Ay, wait! Ako pala mayroon ding na-experience." Ngiting-ngiting baling ko sa kanila.

"Ano naman?"

"Spill it Ate Blossom!"

"Tanong niyo muna kung ilan at anong genre." Taas-babang kilay at ngiti kong sabi.

"Genre? Ano ito libro? Movie? Seriously, Ate Blossom?" sabi ni Bunso.

"Sabihin mo na Bloomy." Pamimilit naman ni Ate Eris.

"Okay! Ito na. Dalawa sila. Action at romance."

"Action at Romance?" sabay nilang tanong.

"Yes. Action at Romance. Sa action, remember nung hinagisan ko ng mga holen si kapreng pulis? Bonus na lang iyong effects na harinang kumalat sa mukha niya," sabi ko.

"Kapreng pulis? Si Miguel?"

"Oo, Ate. Huwag mo akong isumbong sa kanya pati kay Kuya Manolo." Pakiusap ko.

Natawa si Ate Eris pero sumang-ayon din naman sa akin.

"How about the romance?"

"Romance? Bunso kasama kita nung naganap iyon," Sabi kong natawa.

"Really? Where? When? How? Why I can't remember?"

"Ikaw Ate Eris, hindi mo rin alam?"

Napa-isip ito. Ilang sandali lang umiling na siya.

"Okay, ipapaalala ko sa inyo. Ganito kasi iyon." Sumeryoso ako, feeling narrator ang peg ko.

"May nangyari kina guy at girl. Dumating sa point na tinanong ni girl si guy kung anong nagustuhan sa kanya. Sumagot naman si guy na simula pagkabata mahal na raw niya si girl. Then the guy grab the opportunity to ask the question he's longing to know the answer many years ago. But sadly their story ended with a man going home not answered by his question. The end!"

"Oh my! It's Ate---" naputol na sasabihin sana ni Bunso.

"Ay! Walk-out? Marunong din pala si Ate Eris? Taray!"

"Anong nangyari doon?" tanong ko.

"Tinanong mo pa talaga, Ate Blossom!" sagot sa akin ni Bunso.

"Malay ko ba na ayaw niyang pag-usapan iyon," sagot ko.

Linigpit na namin ang aming pinagkainan. Nagpresinta akong maghugas ng mga ito kaya naiwan akong mag-isa sa kusina.

"Ate Bloomy! Ate Bloomy! Halika dito, dali! Si idol, nasa tv!" Sigaw ni Princess.

Tinapos ko muna ang pagbabanlaw sa mga nasabunan kong plato, kutsara, tinidor at baso. Nagpunta rin muna ako saglit sa cr para umihi.

"Bakit? Anong mayroon?" Tumingin ako sa tv. Cartoons ang palabas na nadatnan ko.

"There's a flash report. Pinakitang inaaresto si Aries Ocampo sa Italy. Kasama ng mga pulis na umaresto si Gov. Uno. Kaya sigaw ng sigaw itong katabi kong die hard fan niya." Natawang sabi ni Bunso.

"Good! I'm glad about the news, Bunso. Finally the culprit is already captured," sabi ko.

"Yeah! So uwi na tayo niyan?" Napanguso siya.

Natawa ako sa itsura niya. "Bakit? Gusto mo na dito tumira?"

"Tumira agad? Hindi ba pwedeng gusto ko pang mamasyal. Gumala, ganern! Ang KJ nito kahit kailan. May nadakip lang, uwi na agad? Ang saklap naman!" reklamo niya.

#AríyaWhere stories live. Discover now