Chapter 30:Worried

145 10 2
                                    

Chapter 30:Worried

Diko alam kong bakit ko kinuwento kay Jazzper ang nangyari e unang-una di kami magkaibigan at pangalawa ang awkward lang na sinasabi mo yung problema sa ex-boyfriend mo..Pero sabi naman nya na "Would you mind to tell me?" , argh nababaliw na ata ako pero to be honest medyo gumaan yung loob ko dahil sa mga advice nya na matagal ko ng di naririnig--hindi ibig sabihin nun na namimiss ko sya it's just that----argh....pati ako diko na maintindihan ang pumapasok sa utak ko...

Narinig ko syang tumawa kaya lumingon ako...

"Anong tinawa-tawa mo dyan?" tinarayan ko sya..

"HAHAHA It's just that,i didn't expect na sakin lahat mangagaling ang mga advice na yun na kahit sa sarili ko diko magawa" eh ako ba jazzper nag expect ba na magsasama tayo ulit sa isang lugar ng tayong dalawa lang?  "At isa pa wala  naman tayong closure nung mangyari yung alam mo na...." tumingin sya sa kawalan "Pagkatapos tayong mag-break up" pagpatuloy ko sa sinabi nya..

"Yeah!!" natahimik kami pareho...

"A-alam mo Eryn matagal ko na tong gustong sabihin sayo simula nung magkita tayo ulit dito sa Gillford" huminga sya ng malalim...

"I'm sorry" nagilan ako,after 2 years and more finally yung word na gusto kong marinig sa kanya nung nakita ko siya sa bar na may kasamang ibang babae ay narinig ko na...

"Masyado ng late yung pag hingi mo ng sorry para sa nagawa mo,nasaktan na ako,umiyak na ako ng maraming beses,at halos mabaliw na ako dahil sa nakita ko ng gabing yun.Kailangan nating mag-move on,kailangan nating ibaon sa limot ang mga nangyari at palayain ang isa't-isa but don't worry matagal na kitang napatawad  dahil di narin naman ikaw ang gusto ko" ako rin matagal ko narin tong kinikimkim na mga salita at hinihintay lang ang panahon na pagtagpuin tayo ulit para masabi natin ang dapat nating sabihin sa isa't isa...

"Maaaring di na natin mababalik ang dati pero maari bang magkaroon tayo ng closure? Kahit konti?" lumingon sya sakin ng may ngiti sa labi..

"Closure?" (Jazzper) ngumiti rin ako..

"Closure" makipagkamay na sana ako nang guluhin nya yung buhok ko..

Sabay kaming napatingin nang marinig namin mula dito ang hiyawan na nanggagaling sa GYM..

"Sa tingin ko kailangan na nating bumalik dun" tumayo sya at inabot ang kamay ko..

"Tama ka" naglakad kami papuntang hallway nang huminto sya...

"Mauna ka na muna,may pupuntahan lang ako" tumango ako...

Naglakad ako ng hallway papunta sana ng gym para manood ng basketball nang makita ko sina Kendell at Elaine na tumatakbo papalapit sakin at hingal na hingal na..

"Ohh Kendell anong problema?"

"S-si Zekie.....Nawawala!!"

"HA? Anong ibig nyong sabihin?"

"Nung tumakbo ka kanina papalabas,sinundan ka nya pero di namin alam kong nasan' sya" nagsimula na kaming maglakad...

"Sinubukan nyo ba syang tawagan?"

"Yeah we already did that but his phone just keeps ringing without answering it.Alam kong nakikita nya yung mga missed call namin dahil nire-reject nya yun" sabi ni Kendell...

"Yung iba nasan' sila?"

"Naghahanap narin!" sagot ni Elaine.

"We need to find him immediately dahil sa basketball league na malapit ng magsimula,sure akong mapapagalitan sya pag di sya makakapaglaro dahil name ng GILLFORD ang naka-taya dito,isang malaking tulong si Zekie sa team at pag natalo kami,ang Ateneo ang mananalo" which is ang rival ng GFU in terms of Sports and other School Based Competition at yun din ang school ni Jacob..

BestFriend ko si Jacob pero diko kayang traydurin ang GFU na nag bigay ng Scholarship sakin...

"Yung phone mo Eryn.Maliban sa'min isa ka sa maaring tawagan or contact(in) nya.." napatingin ako kay Elaine..

"Elaine's right,Ezekiel might contact you or he contacted you already dimo lang napansin"huminto kami at inopen ang phone ko..

Halos malaglag yung phone mula sa kamay ko dahil sa sandamak-mak na missed calls at text messages na diko na sagot.

-50 Missed Calls & 25 Unread Messages...

From:Annoying Red Hair

-Hey!

From:Annoying Red Hair

-Hey! Answer Me..

From:Annoying Red Hair

-Where are you?

From:Annoying Red Hair

-Eryn,why are you not responding my messages

From:Annoying Red Hair

-If you're not gonna answer my calls and text,i will cancel your Scholarship..

From:Annoying Red Hair

-HEY!!!! DO YOU WANT TO DIE?

From:Annoying Red Hair

-Hey,are you okay?

From:Annoying Red Hair

-Eryn where on earth are you??

From:Annoying Red Hair

-I know you're hurt of hearing about Thea's nonsense talk so answer me.

From:Annoying Red Hair

-Please...

...15 unread messages

Napa-tungo ako sa guilt na naramdaman ko.Bihira lang mag sabi ng  'please' si Zekie kaya alam kong seryuso na sya dun..

"I think his damn worried about you,Eryn" rinig kong sabi ni Kendell...

Si Zekie? Si Zekie na sobrang annoying at mayabang,nag-aalala sakin?

Napa-angat ako ng tingin nang marinig kong mag ring ang cellphone ni Elaine kaya dali-dali nya yung kinuha sa blue na sling bag nya at sinagot..

"Oh hello,Des.Anong balita?"

"HA? Nakita nyo na sya?"

"Saan? Okay papunta na kami dyan"

Hinintay namin na ibaba ni Elaine ang phone nya at sabihin samin kung nasan si Zekie..

"Nasa RoofTop sya ng main building" tumakbo ako papunta sa music building dahil yun ang main building....Halos banggain ko na yung mga estudyante na dumadaan sa hagdan dahil kakamadali ko..

–Alam kong papatayin ako nun sa tingin at english dahil sa diko pagsagot ng messages nya pero pati ako nag aalala narin...

Pagkabukas ko ng pinto sa main building ng hingal na hingal ay nadatnan ko sila dun na akay-akay si Red na mukang sobrang pagod na...

"Eryn!!" tawag sakin ni Ryle kaya napatingin sila sakin,lumapit ako at hinawakan si Red..

"A-anong nangyari sa kanya?" tanong ko pero di sila naka-sagot dahil ini-angat ni Red ang ulo nya para makita ako..

"Hey,t-there y-you a-are" talagang binalot ako ng guilt dahil nakikita ko siya na parang naubusan na ng lakas at sobrang pagod na dahil sa kakahanap sakin..

"Ano ba kaseng ginawa mo at nagka-ganyan ka?" di sya sumagot at sinubukang tumayo at lumapit sakin kaya nabitawan sya nina Cloud at Ryle.

"Y-you know what i'm fucking w-worried a-about you" pagkasabi nya nun ay bigla nalang syang napapikit kaya sinalo ko sya agad dahil babagsak na sya sa sahig..

"ZEKIE!!"

--------------------🌹-------------------
ABANGAN! UPNEXT CHAPTER 31

Meeting the Campus GangstersTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang