Chapter 43:Hugged

131 8 2
                                    

Chapter 43:Hugged

Eryn POV

"Pupunta ba kayo ngayong gabi" rinig kong tanong ni Jace

"Tss,anong klaseng tanong ba naman yan ha Jace,syempre naman noh.Diko pedeng palampasin ang pagpeperform ng iba't-ibang banda dito sa GFU lalo na't first time natin yung mapapanood" to naeexcite na sabi ni Vianna at pinaikot-ikot pa yung ballpen sa kamay.

Nasa groupings kase kami ngayon habang may sinosolve na equation na iniwan ng teacher namin at syempre bilang isang scholar naatasan akong maging leader ng grupong to,mabuti nalang at wala na kaming issue about sa mga nangyari sa nakaraan kaya wala na ulit masyadong nakakapansin sakin..

"Ikaw Eryn pupunta ka ba?" maliban sa kanila na palagi kong nakakasama dahil sa pagtutor ko.

Lumingon ako sa kanila "Hmm...Diko pa alam eh"

"Ehh?? Punta ka na Eryn para sabay tayo,please" sabay kapit sa braso ko.

-Oh diba ganito sya ka feeling close..

"Oo nga naman Eryn" sabi ni Jace kaya napa-isip ako.

Tumingin ako sa kanilang dalawa na hinihintay ang sagot ko kaya wala akong choice kundi ngumiti.

"Yown!" sabay apir ng dalawa.Kung diko  lang talaga alam na magkapatid ang dalawang to,iisipin kong mag-jowa sila dahil sa closeness at minsan sweet sila sa isa't-isa.

"Everyone paki-lagay nalang sa table na nasa harap if tapos na yung grupo nyo then you can do whatever you want"sabi ng president namin kaya nagsitayuan na yung mga kaklase namin.

"Oh Via ikaw na maglagay dun" tinulak ni Jace yung kapatid kaya napatingin agad sya dun

"At bakit ako?" tumingin sya kay Jace pero kibit-balikat lang ito kaya napa-tingin sya sakin..

"Sabi ko nga ako yung magpapasa" kaya natawa ako.

"Oh sya,tara canteen?"

"Mauna na kayo,ibabalik ko lang to sa library" sabay taas ng dalawang maliit na libro..

"Ha? Mamaya mo na yan ibalik" (Via)

"Di pwede eh baka pagalitan ako,sabi ko pa naman sa librarian na isasauli ko agad once na matapos na ako"

"Eh nagugutom na kami eh"

"Wow nandamay ka pa eh ikaw lang naman tong mukang imbudo kung kumain" sabi ni Jace kaya agad syang pinanlisikan ni Via.

"Ganito nalang,mauna na kayo tas susunod nalang ako pag naka-baba na ako"

"Sige,kita nalang tayo dun" kumaway silang dalawa papunta sa canteen habang ako ay sa kabila dumaan..

Tumakbo ako papunta sa library dahil kahit ako rin naman gutom na,gabi na at papalapit na magsimula ang Music Feast kaya kailangan kong magmadali dahil baka ako lang yung mag-isang kakain sa canteen habang ang iba nasa Gymnasium na.Mabuti nalang at walang nakapilang estudyante ngayon para magsauli ng libro.

'Sino ba namang tanga ang magsasauli ng libro ng ganitong oras,maliban sakin diba?

Pagbaba ko ay sa kabilang daan naman ako dumaan dahil mas malapit yun sa canteen.Napahinto ako sa tapat ng pinto ng music room saka sumilip.

'Walang tao? Nasa Gym na siguro sila.

"What are you doing here?" dahil sa gulat ko ay napaharap ako't malapit ng matumba mabuti nalang at may nakasalo sakin..

Meeting the Campus GangstersWhere stories live. Discover now