Chapter 3:Her Birthday

280 16 1
                                    

Chapter 03:Her Birthday

"Uhm,salamat pala kanina ah nadamay ka pa" habang naka-upo kami sa labas ng MC-EAT.

"Tss.Okay lang yun ganun naman kase talaga yung ibang customer kahit alam nilang sila ang mali ipagpipilitan parin nilang sila ang tama" at tiningnan ang mga taong dumadaan sa harap namin sa di kalayuan.

"Hays,sa ilang taong pagtra-trabaho ko ngayon lang ulit to nangyari buti at nandun ka kundi malamang sesante na ako ngayon,salamat KM1 ah" kaya natawa naman sya.

"Weird ka rin eh no,nag papasalamat yung tao,tumatawa ka dyan,baliw ka ata eh" at mas lalo naman syang natawa.

"Kanina mo pa kase akong tinatawag na KM1 ,iniisip ko tuloy kung yung meaning ng KM ay Kilometers" agad akong napahalpak ng tawa dahil sa sinabi nya.

"Hoy,akala ko ba ako lang yung tatawa eh bakit ikaw tumatawa ka na rin?" naguguluhan na tanong niya kaya pinilit kong kinalma yung sarili ko at nag-salita.

"Natawa lang ako sa KILOMETERS,ampt---" habang pinipigilan ang sariling matawa.

"Ganito kase yun,nung nagkita tayo since diko pa alam ang mga pangalan nyo kaya  ginawan ko kayo ng mga pangalan sa isip ko,ikaw KM1 meaning Kuyang Matangkad since yung height mo parang kapre" at natawa naman sya "Yung kasama mo KM2 meaning Kuyang Matangos ang ilong,grabe ang gwapo nun" pag-iimagine ko kaya napa-iling sya "At yung pangatlo KM3 meaning Kuyang Mapagbiro dahil mukang namang si joker yun ay estii--mukang mabagbiro yung kasama nyo" saka inalala yung sinabi nyang kailangan ko raw syang bayaran dahil sya yung naghatid ng mga pagkain nung nasa hospital ako.

"Ahh,kaya pala,kala ko naman ano" at  napatango-tango naman sya na akala mo mukang aso na nakadikit sa mga taxi.

Ilang segundo kaming biglang na-awkward sa isa't-isa dahil sa panandaliang katahimikan kaya ang ginawa ko ay tumayo na ikina-tingala nya.

"Uhm,gusto mo ba ulit pumasok baka kase di kapa nakaka-pag order ,libre ko" pag-aaya ko kaya tumayo sya at ngumiti.

*Sheems,Puso ko kalma,wag marupok.

"HAHA ,di na kailangan natapos na akong kumain, actually papa-alis na ako" saka sya bumaba ng hagdan kaya napa-tango nalang ako,pipigilan ko pa sana pero sino ba naman ako para gawin yun diba at isa pa duty ko pa kaya kumaway nalang ako.

Huli na nang marealize kong diko pala natanong ang pangalan nya kaya napa-sapo nalang ako sa noo.

*Tanga lang selp?

"Hoy,Eryn pumasok kana parami na ng parami yung costumers oh" at tinuro yung naka-pila sa counter kaya papatakbo akong pumasok.

"Table 17"

"Table 27"

"Table 15"

"Table 30,please"

"Table 25"

Table,table,table,table of contents,jusko kapagod talaga tong trabahong to,daig ko pa ang maze runner neto kung makatakbo ako ng Left & Right.Argh~ sakit ng balikat ko ah.Diko inexpect na mae-extend yung time of duty ko sa sobrang dami ng tao parang palengke lang.

Luh,ala-syete na pala ng gabi at nandito parin kami sa MC-EAT at nagse-serve ng pagkain pero ngayon medyo na kunti yung mga tao.

Napa tingin ako sa kasama kong waitress na babae at namumutla na talaga sya,tagaktak pa ang pawis pero tudo ngiti parin sya kahit kanina pa sya pinagtitinginan ng mga manyak na customer.

Meeting the Campus GangstersWhere stories live. Discover now