Chapter 59:Break Up

143 7 3
                                    

Chapter 59:Break Up

Eryn POV

Umuulan na naman.

Umupo ako sa study table ko na kaharap ang bintana habang may hawak na mug ng kape.Hinarap ko ang laptop ko at binuksan yun,agad na umilaw yun at nagflash ang picture naming tatlo nina Samantha at Jacob.Napahinto ako at tinitigan yun,ayaw parin tanggapin ng sistema ko na wala na si Jacob,yung dating makulit at palaging nababatukan dahil sa kung ano-anong lumalabas sa bibig nya,yung dating tinitilian sa mall pag gumagala kaming tatlo,yung laging nag-aaya na kumain sa Ice Cream shop,yung laging kabardagulan ni Sam everytime na nang-bwibwesit sya.Natawa ako pero not knowing na parang talon na pala yung mga luha ko.

Jacob kung nasan' ka man ngayon,i'm really sorry.

Pinahid ko yung luha ko at nagsimulang nagtipa dun para sa year end practical research namin.Ewan ko ba pero unting-unti na kaming dinudurog ng mga nakatambak na works at other things sa University.

Bahagya akong nanginig sa ginaw nang biglang umihip ang malamig na hangin galing maliliit na butas ng bintana ko.Sobrang bilis ng panahon kalagitnaan na ng december at malapit na ang Christmas Eve pero sa tingin ko wala naman akong dapat ika-excite sa 25 dahil wala din naman akong kasama na magcelebrate.

S-si Zekie!

Napatingin ako sa phone ko na kasalukuyang china-charge,inabot ko yun at hinanap ang name nya sa contact list ko.Kailangan ko syang maka-usap,kailangan kong mag-sorry dahil bigla ko syang nasigawan at thank you dahil sa kanya tinanggap yung Archi. Project ko at sa paggawa ng mga assignments ko.

Tinapat ko sa tenga ko ang phone para marinig ko pero out of coverage sya,tinawagan ko ulit sya pero wala talagang sumasagot.Wala akong choice kundi ang tawagan si Thea,nagbabasakaling nakatira lang sila sa iisang bahay.

"Hello Thea?"

"Oh! Eryn napatawag ka,balita ko nahimatay ka raw kanina sa hallway.Okay ka na ba?"

"Okay na ako binantayan ako ni Vianna magdamag sa Clinic"

"Ah,ganun ba mabuti naman.Sya nga pala ba't ka napatawag?"

"A-ah ano kase...uhm...kasama mo ba kuya mo sa bahay nyo?"

"Ah si Kuya Zekie ba? Hindi sya rito umuuwi eh,may sarili syang condo.Bakit?"

"Uhm,may sasabihin lang kase ako sa kanya"

"Try mo tawagan si Kendell,malamang magkasama sila ngayong anim"

"Ah sige salamat" inoff ko ang phone call kay Thea at hinanap ulit sa Contact List ko ang pangalan ni Kendell at agad yung pinindot.Nakailang ring pa yun bago may sumagot.

"K-kendell?"

"Eryn? Napatawag ka?"

"Itatanong ko lang sana si Z-zekie,magkasama ba kayo?"

"No,hindi kami magkasama.Actually pupuntahan ko palang sya,gusto mo sumama?" nagdadalawang isip pa sana ako dahil sa lakas ng ulan pero sabado na bukas at malamang di ko sya makikita o makakausap kaya um-oo ako

"Alright,dadaanan kita.Di pa naman ako nakakalagpas sa inyo" inoff nya yung phone kaya binalik ko ulit sa charger yung phone ko at tumayo.

Kumuha ako ng medyo makapal na jacket at nagbihis rin ako.Maya-maya ay may bumusina sa labas at sigurado akong si Kendell yun.Nilock ko ang pinto at kumuha ng payong at tuluyang lumabas.Umupo ako sa tabi ni Kendell at di narin kami nagtagal at agad nyang binuhay ang makina ng sasakyan.

Meeting the Campus GangstersWhere stories live. Discover now