Chapter 64:Epilogue

178 6 0
                                    

Chapter 64:Epilogue

Eryn POV

"You okay?" napalingon ako sa kanya ng hawakan nya yung balikat ko.

"O-oo" nag-aalangang sagot ko kaya bahagya syang tumawa.

"Magiging okay din ang lahat pagkatapos ng araw na'to" hinawakan nya yung kamay ko at hinalikan.

Nasa loob kami ng sasakyan nya sa labas ng bahay nila,plano nyang paki-usapan yung dad nya na wag ituloy ang kasal nila ni Kath.Diko maitatago yung kaba ko dahil first time kong makikilala ang dad nya at talagang sa ganitong sitwasyon na plano nyang ipaghiwalay kami ni Zekie.

Napatingin ako sa sarili kong repleksyon at kitang-kitang namumutla na ako sa takot,like duh kung si Zekie nga sobrang cold at blunt mag salita pano pa kaya yung dad nya.

Dyos ko,iniimagine ko palang nanginginig na ako sa takot.

"Wifey,calm down.Nandito naman ako" hinigpitan nya yung kapit sa kamay ko.

"E-eh kase naman kailangan ba talaga natin tong gawin? What if magpakasal ka nalang kaya?" agad nya akong pinanlisikan ng mata at seryusong tumingin

"Joke lang,kinakabahan lang ako"

"Kung magpapakasal man ako dapat sa taong mahal ko" nakagat ko naman ang labi ko para di ipahalatang kinilig ako.

Enebe weg genen

Agad kong kinuha sa sling bag ko yung box na purple at iniharap sa kanya.

"So you didn't open it yet?" tumango ako.Kinuha nya yun at binuksan pagtingin ko dalawang bracelet na stars ang pendant at tila may initials pa.

"Pinagawa ko to para sa ating dalawa" kinuha nya yung kamay ko at sinuot yung bracelet na may initials na E G C at sa tingin ko ang ibig sabihin nun ay Eryn Gonzales Cross

"This will prove how much i love you" kinuha ko naman ang isa pang bracelet at sinuot yun sa kanya.May initials na E L C (Ezekiel Lyron Cross)

"You have to trust me,we can do this together" hinalikan nya ako sa labi at ngumiti.Sabay kaming bumaba at pumasok sa mansion nila ng magkahawak ang kamay.

Agad na bumungad sa sala ang isang matandang lalakeng naka-upo sa sofa.Maraming guard sa bawat kanto ng lugar.Nakatungo lang ako habang unti-unting lumalapit kami sa dad nya.Pinisil nya yung kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

Tumayo yung dad ni Zekie papalapit samin at tinignan kami pareho at tumawa sya.Nagulat ako nang isang malakas na sampal ang tumama sa muka ni Zekie na ikinabagsak nito agad sa sahig.

"Ito ba Ezekiel? Ito ba ang igaganti mo sa ama mo pagkatapos ng mahigit 20 na taong pagpapakain ko sa'yo?Ito ba ang definition mo ng 'utang na loob'? " agad kong tinakbo si Zekie at nilapitan

"Pagkatapos ng maraming taon na pagpapa-aral ko sa'yo sa isang prestihiyusong paaralan,ang natutunan mo lang ay ang pumatol sa mas nakakababa kesa sa'yo?"

Tumayo si Zekie "Mas mabuti nalang sigurong makasama ko ang babaeng katabi ko na nag turo sakin na magpatawad at magmahal ng seryuso kesa sa katulad nyong walang ibang ginawa kundi ang kontrolin ang buong buhay ko na para bang puppet sa mga kamay nyo"

"Magmahal?" tumawa ito ng sarkastiko "Bakit? Ano bang alam mo sa pagmamahal?Because of that woman,naging mas pariwara ka na.So mas better sigurong mailayo ko na kayo sa isa't isa" tinago ako agad ni zekie sa likod nya nang may akmang may lalapit saming mga guards.

Meeting the Campus GangstersWhere stories live. Discover now