Chapter 36:Locked

129 9 0
                                    

Chapter 36:Locked

Tumalikod ako sa kanya at naglakad papuntang pinto tutal gusto ko rin namang pumunta sa last class ko at makapagpahinga ng maaga dahil may trabaho na naman ako bukas,isa pa mukang tulog nga si Zekie...

"Ayaw mo talagang gumising edi dito ka nalang mag-isa----takte,lock yung pinto!!" hinila ko ulit yung door knob pero ayaw gumalaw mukang may naglock mula sa labas.

"HOY KUNG SINO MAN ANG NASA LABAS,BUKSAN NYO PO KAMI PLEASE!!" pinagpapalo ko yung pinto pero in the end nag-eecho lang sa loob yung boses ko..

"Hoy Ezekiel gumising ka nga dyan,alam mo bang na lock tayo dito sa loob tas feel na feel mo pang matulog dyan" sigaw ko pero wala man lang syang respond sakin..

Naglakad ako sa paligid at nagbabasakaling may iba pang daanan pero wala na talaga...

'Ah nakakabaliw na'to...

Napa-lingon ako sa piano na nasa stage kaya bigla kong naimagine si Kendell na kunwari ay nagpi-piano habang naka-suot ng tuxedo at naka-tingin sakin..Ahh  kinikilig ako!!

Lumapit ako dun at umupo,binuksan ko ang takip nun at inilapat ang daliri ko dun,feeling pag hinahawakan ko ang keys ng piano para hawak ko na rin yung kamay ni Kendell.Tatayo na sana ako nang may kamay ang biglang gumalaw sa mga keys..

Pinasadahan ng mga kamay nya ang piano at sinimulang magpa-tugtog ng unfamiliar na kanta pero sa tingin ko ay love song yun.Natigil ako nang nag-hum sya sa kanta at pumikit pa yung mga mata na para bang mas fine-feel nya yung kanta..

Tinitigan ko sya at may biglang tumapat na spotlight sa kanya at may mga petals ba pumapaligid,alam kong lahat ng ito ay imagination ko lang pero the way nya pindutin yung keys na may pag-iingat parang totoo ang lahat ng iyon..

Yung paligid biglang nagslow-motion at yung puso ko naman ay pabilis ng pabilis yung tibok like parang ako talaga yung kinakantahan nya.Siguro feel ko na rin kung anong na fe-feel ng fans nila everytime na nag peperform ang grupo nila...

"A-anong kanta yun?" nang pindutin nya ang huling key para sa huling word ng kanta..

"Confused"

"Confused? Sino'ng kumanta at para kanino yun?"

"I forgot his name but he's an american Singer and if you're asking to who'm i'm dedicated it,its just a secret" tumayo sya kaya tumayo rin ako..

'Di na ako magtataka pa kung secret lang iyon dahil ganun rin sya,masyadong ma-sekreto...

"Tss,as expected..." naglakad ako papunta sa mga guitar.Umupo ako at kinandong yun.Nagdadalawang isip pa ako kung kaya ko bang mag play ulit ng guitar dahil almost 3 or 4 years na akong di gumagamit nun simula nung maghiwalay kami ni Jazzper.

Band member din kase sya kaya everytime na may free time kaming dalawa tinuturuan nya ako.Tumingin ako kay Zekie pero naka-sandal lang sya sa dingding at nakapikit.

-May problema ba sya?

Ini-strum ko yung guitar at magsisimula na sanang kakanta pero may bigla akong narinig na kumalabog kaya napatayo ako at hinanap yun.Bigla ako nakaramdam ng kaba nang makita ko si Zekie na naka-upo sa sahig at may dugo sa bibig.May tao syang kaharap pero sobrang balot na halos diko masabi kung babae ba yun o lalaki pero hula ko lalaki dahil di basta-basta mapapabagsak si Zekie ng isang babae...

"Zekie!!" pababa na ako nang lumingon sakin yung tao..

"No Eryn,Just stay there so he can't hurt you" pilit na tumatayo si Zekie,inambahan sya ng suntok nung tao at nasalag nya naman yun pero di nya nasalag yung isa pang suntok na paparating mula sa kaliwang kamay kaya napahiga sya..

Meeting the Campus GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon