Chapter 1:First Meet

596 18 12
                                    

CHAPTER 01:First Meet

🎶Youre gonna say more,more,more,more & more🎶

Diko ata alam kung nag mumuka na na akong tangang kumakanta habang naka sakay sa scooter ko papuntang san jose st. dahil may idedeliver ako.Kahit malayo mula sa MW {miyawaki} Restaurant ay dinedeliver ko parin,wala eh eto yung kinuha kong trabaho kaya kailangan kong gawin.Narinig kong nag ring yung phone ko kaya medyo binagalan ko yung takbo ng scooter at kinuha yung phone ko mula sa bulsa at tiningnan kung sino ang tumawag.Nagulat nalang ako nang may biglang dumaan kaya nahawakan ko ulit ang manebela pero huli na dahil na out-balance na ako.

"AHHHH!!!!!!!!" Sigaw ko at tuluyan na nga akong bumagsak kasabay ng pagkalat ng mga dapat sana ay i dedeliver.

*Aishh mapapagalitan na ako neto,psshh(*﹏*;)*

Agad akong tumayo at pinakatitigan yung lalaking naka head phone at nakatayo sa tapat ko na para ang walang nangyari.

"Hoy ikaw" dahil wala naman masyadong tao ay walang nakakakita samin.Inangat nya yung ulo nya at tiningnan nya lang ako ng inosente,lumingon pa sya sa likod nya na parang chenecheck kung sya ba yung kinakausap ko.

"Oo ikaw,wag kang gago.Tingnan mo tong ginawa mo" pagsisigaw ko ,para talaga kaming naglalaro ng whisper game dahil sya ay naka suot ng headphones at ako sumisigaw na parang tanga.Tinuro ko yung nag kalat na pagkain.Tinaasan nya lang ako ng kilay at bahagyang tinanggal ang kaliwang headphone.

"Ha? Anong sabi mo?" jUsq...kung kaharap ko siguro to sa malapitan baka sinabunutan ko na tong lalaking to hanggang magkakaroon ng cancer.Tinuro ko ulit yung pagkain na nasa paanan nya kaya dumungaw sya.Nanlaki yung mata ko nang tapakan nya yun at binalik ulit yung headphone at tumalikod paalis.

" A-aba g-gago yun ah,HOYYYYYYY BWESIT KA,BUMALIK KA RITONG KUPAL KA " hahabulin ko pa sana pero naisip ko ung mga pagkain na nag kalat sa daan,buti nalang at wala masyadong dumadaang malalaking sasakyan.

*Aishh,paktay ako neto,arghhhhh.*

Inilibot ko yung paningin ko at kinakabahang nasapo ko yung noo ko at iniisip kong ano yung palusot ko mamaya.

Hinanap ko yung phone at tf? nag crack ang screen ng phone ko.Inayos ko yung maari pang ayusin at pwede pa,napapa-iling nalang ako habang nakikita yung mga sayang na pagkain.

Nagulat nalang ako ng may tumutulong saking dalawang anghel na lalaki na nag pupulot ng box.

"Ah eh t-thank u ha" nahihiya pang sabi ko habang tinatanggap yung mga box na pinulot nila.

"Ano bang nangyari dito miss,nadisgrasya kaba?" tanong ni kuyang matangkad at saka nya pinatayo yung scooter at itinabi.

"Ah eh oo ,may lalaki kaseng pabigla-biglang dumaan kaya di ako agad naka break kaya heto malamang mapapagalitan ako mamaya" nanghihinayang na sabi ko.Sa tingin ko mga nasa tatlong box nalang ang natitirang pwede pang ideliver na dapat ay sampung box.

"Naku pano yan,eh wasak na yung ibang box?" tanong ni kuyang matangos ang ilong,actually lahat naman sila matangos ang ilong pero (mas) matangos yung ilong nung isa.

"Yun nga din yung problema ko,diko alam kong paano mag eexplain sa nag order neto"

"Naku miss may galos ka " pag-aalala nung kuyang matangos ang ilong kaya dumungaw ako sa tuhod ko at tf??? d-dugo??? d-di p-pwede to?

Alam kong may sinabi pa sila pero tila umikot na yung paningin ko at tuluyang na ngang bumagsak sa kung sino man sa kanila...

Napa-mulat ako nang may maramdaman akong mahapdi na lumapat sa tuhod ko,nakita kong may nurse sa gilid ko na ready na para umalis at may kung anong utensils syang hawak.Lumingon ako sa kanan ko at nandun parin yung mga lalaki,maliban sa isa na ngayon ko pa nakita,kasama siguro ng dalawang to.

"Okay kana ba?" tanong ni kuyang matangkad kaya tumango ako't dahan-dahang umupo.

"Yung mga p-pagkain pala?" awkward na tanong ko dahil diba,ni isa sa kanila wala pa akong kilala,baka mamaya magnanakaw pala tong mga to,gwapo pero masama pala.

Jusq. marami na akong experience sa mga ganyan,yung aakalain mong mabait pero demonyo pala ang ugali.

"-----miss?" nabalik ako sa ulirat ko nang marinig kong kina-usap ako nung bagong dating na lalaki.

"A-ah ano yun,sorry may iniisip lang"

"Sabi ko,wag mo nang alalahanin yung mga pagkain denilever ko na sa kung saan yun dapat at nag sorry narin ako in behalf of you dahil suppose to be ikaw naman dapat yun kaya dapat bayaran mo kami" napataas naman ang kilay ko sa gulat dahil sa sinabi nung lalaki agad naman syang siniko ni KM1 (kuyang matangkad number 1) while si KM2 (kuyang matangos number 2) ay tumawa lang.

"Joke lang ,ano ba, masyado kayong intense" KM3 (kuyang mapagbiro number 3) natawa ako dahil iniimagine ko yung mga n-names nila habang diko pa sila kilala.

"uhm miss,bakit ka pala nahimatay nung nakita mo yung dugo?" tanong ni KM1 na nakaupo sa gilid ng patients bed,for short katabi ko.

"Ah,yun ba may Hemophobia kase ako"

"Diba yun yung takot o phobia sa dugo?" (KM3) agad naman syang binatukan nung dalawang kasama nya kaya napakamot sya.

"Tangeg,syempre alam namin para mulang namang tinagalog yung HEMOPHOBIA" Bara ni KM1

"Sige patuloy mulang" (KM2)

"Nalaman ko yun nung mga nasa 6 or 7 years old ako,bigla nalang akong nahihirapang huminga or nahihilo pero ang nangyari kanina bago yun" pag-aalala ko.

"Sa tingin ko dahil sa pagod yun,mainit nung nakita ka namin at isa pa bumagsak ka rin nung may malapit kang mabangga" saka hinagod ni KM1 yung likod ko.

*Shockss lakas maka-fairytale tong araw na toh ahh.

Agad na nabaling yung mata ko nang mag ring yung phone ni KM3 na naka-upo sa kabilang bakanteng patients bed.Diko narinig ang usapan nila sa tawag at tanging tango lamang ang ginagawa ni KM3 saka nya binaba yun at tumayo.

"Dre, emergency raw sabi ng halimaw" natatawang sabi nya.

*Emergency daw pero bakit sya natatawa?

Agad naman silang nag tanguan at tumayo.

"Oh miss pasensya ka na ,dika namin mahahatid sa inyo, emergency raw eh" kaya tumango ako.

"Di,okay lang ako,salamat sa tulong " at ngumiti ako.

"Sa muling pagkikita" at sabay silang kumaway palayo sakin.

"Sa muling pagkikita" tanging bulong ko at ulit na humiga.

-------------------------💜------------------------
ABANGAN, UPNEXT CHAPTER 2

Meeting the Campus GangstersWhere stories live. Discover now