Chapter 54:Date

151 7 2
                                    

Chapter 54:Date

Eryn POV

Napahikab ako habang nag-uunat na bumabangon sa kama ko dahil umaga na naman.Paglabas ko ng pinto nagulat ako nang makita ko si Zekie na nagluluto sa kusina habang may apron na Doraemon.

"Z-zekie? Anong ginagawa mo dito?" bumaba ako sa hagdan pero bigla nya akong pinanlisikan ng mata.

'Oh ano na naman kayang kasalanan ko?

"Can you please stop calling me Z-zekie,we're couples now" bigla kong naalala.

"S-so?"

"Argh,seriously Eryn? Call me 'Baby' then i'll call you 'Mine' " natigil ako nang bigla syang ngumiti sakin.

'A-ang creepy,di ako sana'y na bigla syang nagiging ganito ka-sweet.

"Oh? Mesmerizing my handsome face? Masana'y ka na dahil palagi mo na'tong makikita ang pagmumukang to" sabay kindat.

'Please sabihin nyo nga sakin,nanaginip parin ba ako?

"Ang cheesy" diko rin napigilang mapangiti ng patago dahil aaminin ko na kinikilig ako sa mga pinagsasabi nya.

'Ah,puso ko tumigil ka!!

"Btw,ba't bigla kang napa-aga at pano ka nakapasok sa bahay?" habang naka-upo sa harap ng mga pagkain na niluluto nya.

"I guess nakalimutan mo na kung anong nangyari kahapon nung maka-uwi tayo" napahawak ako sa baba ko.

Hmm? Bakit wala akong matandaan?

Flashback

Pagbaba namin ng eroplano ay agad kaming sinundo ng mga sasakyan.Tatlo ang biglang nagpark sa harap namin.Isang van at dalawang Ranger na sasakyan.

"Oh pano ba yan,it's time to go home" sabi ni Cloud

"Uhm,Thank you nga pala at sinama nyo kami" sabi naman ni Jacob at tanging tango at fist bump lamang silang dalawa ni Cloud.

So close na sila?

"Mauuna na kami,ihahatid ko na si Sam sa kanila" sabi nya at kinuha ang maleta nilang dalawa.Nag-beso kami ni Sam at yakap ni Jacob para makapagpaalam dahil alam kong magiging busy sila lalo na si Samantha na may Oplan Tulong sila at pamimigay ng gift sa isang lugar at balita ko malayo daw yun.

"Ingat kayo" sabi ko habang kumakaway

"Oy,Ezekiel ingatan mo yang bestfriend ko ha kundi lagot ka sakin" sabay pakita ng kamao kaya napalingon ako kay Zekie na nasa tabi ko.Tumango lamang sya at inakbayan ako.

"Oh kami rin" nagsisakayan na sila Kendell at Elaine sa iisang van kaya tumango si Zekie.

"Hmm? Di tayo sasakay?" tanong ko nang maisarado na nila ang pinto ng van at sabay na umalis sina Jacob at Kendell sa magkaibang direksyon.

"No.Ihahatid kita sa inyo" pinagbuksan nya ako ng pinto kaya wala akong nagawa kundi hilahin ang maleta ko at ipasok.

Akala ko agad kaming aalis pero tumingin muna sya sakin.

"Bakit?"

Meeting the Campus GangstersUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum