Chapter 11:Accept or else

180 9 0
                                    

Chapter 11: Accept or else....

"Hello,Sam napatawag ka?"

" Wala kasi akong kasama dito sa classroom namin kaya naisipan kong tumawag,ang bored" rinig ko naman ang buntong hininga nya

"HAHAHA!! Ikaw talaga paano ka mabobored kung sa dinami-dami ba naman ng Bby bois na in-add to cart mo nung unang gabi na nag sama-sama tayo" na ang tinutukoy ko ay yung sinama ako netong si Sam mag unwhine dw....

"Hoy,Shhh kalang,ano ka ba pero iba tong kamandag ng isang Samantha noh"sabay hagikhik sa kabilang linya...

"Tss,may kamandag ka pang nalalaman,oh sige na it's time to say goodbye muna dahil papalapit na ako sa classroom namin tas mare-review pa ako" habang naglalakad sa hallway.

"K.Bye~~"

*Call Ended*

Papa-akyat na ako ng hagdan nang mapansin kong kanina pa ako pinag-titinginan ng mga estudyante na nakakasalubong ko kaya naisipan kong ilibot ang paningin ko at nahagip ng paningin ko ang information board kaya bumaba ulit ako dahil nadaanan ko to kanina.

"O my god,sya ba yun?"

"My god sis,sya nga!"

"Grabe ang sama nya pala"

"Tas ang landi pa"

IIang mga bulungan sa paligid ko kaya binasa ko yung agaw pansin na karatula..

WHAT'S NEW?

SOMEONE SAID THAT, ERYN GONZALEZ,A FIRST YEAR COLLEGE SCHOLAR HAVING A GOOD TIME IN A BAR WITH HER FRIENDS IN CLASS DAYS.

Ha?? A-anong kalokohan na naman ba to? Oo nag-bar kami pero di dahil para mag-saya kundi para sunduin si Sammy na sobrang lasing na.

Agad kong dinukot ang papel na naka-dikit dun saka nilukot.Naramdaman kong parang may tumama sa likod ko kaya humarap ako,pagtingin ko may mga estudyanteng naka tayo at may dala-dalang nilukot na papel na naka balde pa at ang iba ay hawak-hawak na.

"What now Eryn,magpapaka-feeling martyr ka parin ba at di mo pa rin tatangapin ang deal nila?" sabi ng babae na nasa unahan at ibinato sakin ang hawak nyang papel kaya umilag ako.

"Accept the deal or else........" hintong sabi ng babae saka lumingon sa paligid nya.

"Ha!" singhal ko at inayos yung buhok at salamin na suot ko"Sa tingin nyo ba matatakot ako sa pinagsasabi mo? At tong issue na nag bar ako? It's all just a misunderstanding,hindi ako yung tipo ng babae na mag ba-bar para lumandi kagaya nyo" agad namang nakuyom ng babae yung kamay nya dahil sa sinabi ko.

"Kaya kung sino man ang gumawa nitong walang kwentang issue then you're just wasting your time and efforts dahil di naman totoo" saka kinuha yung bag ko sa sahig.

"Tss...Andami mong satsat" saka pinaulanan nila ako ng mga papel,ramdam ko ang sakit na tumatama sa ulo ko pero diko yun pinahalata at nagmadaling naglakad papuntang hagdan kaya humawi sila.

Mga apat na tapak ko palang sa hagdan ay huminto na sila sa pagbato kaya inangat ko yung ulo ko para sana magpatuloy pero sakto ding pababa ang kinaiinisan kong mga estudyante dito sa GFU.

Lumapit pababa sina Kendell at Ryle sa kinaroroonan ko na akala ko ay tutulungan ako pero diko inaasahan ang sunod nilang ginawa.

Meeting the Campus GangstersWhere stories live. Discover now