"Ninang Ganda! Ninang Ganda! Ninang Ganda! Nasa baba na si Kuya Buknoy. Ang bango-bango! May dala pang flowers! May date kayo?" Usisa ng batang bigla na lamang umeksena.

"Ate Eris nagpaligo ng pabango ang manliligaw mo sa baba. Ayieee!" Tukso ni Bunso na bigla ring sumulpot.

"Sige hintayin ko na lang kayo sa baba." Deadma ni Ate Eris sa mga echuserang sina Princess at Bubbles.

"Bakit din tayo susunod Ate Bloomy? Ano iyon makiki-join tayo sa wheel nila?" reklamo ni Bunso.

"Anong wheel nilang pinagsasabi mo diyan? Magbihis ka, aalis tayo," sagot ko.

"Duh! Wheel! Ayokong maging 4th or 5th wheel nila. Kasi ang 3rd wheel si Princess." Napatigil siya.

"Pero anong sabi mo ulit, Ate Blossom? Aalis? Tama ba akong nang dinig? Talaga? Saan? Uy! Pansinan mo naman ako. Aish!" reklamo niya.

"Magbihis na kasi. Aalis nga tayo, ang kulit." Iniwan ko na siya sa kwarto at pumuntang sala.

"Saan punta natin?" Tanong agad ni Bunso pagkababa ng hagdan. Nakasuot ito ng skinny jeans at sky blue bubbles t-shirt.

"Saan daw ba tayo magkikita?" sagot ko naman.

"Ha? Magkikita? Kanino? Ako ba tinatanong mo, Ate Blossom?" Turo pa niya sa sarili.

"Malamang ikaw!" sagot ko.

"Sorry naman po. Kanino ba tayo makikipagkita? Hindi ako na-inform." Naguguluhang baling niya kina Ate Eris.

"Kay Ginger," sagot ko.

"Kay Ginger? Wala naman siyang sinabi," sagot naman niya.

"Kaya nga ite-text mo at tatanungin," sabi ko.

"Aish! Oo na! Oo na! Wait!" Kinuha nito sa sling bag niya ang cellphone at nagpi-pindot doon.

Nanood muna kami ng tv habang hinihintay ang reply ni Ginger.

Wala pa sigurong sampung minuto nakatanggap na ng reply si Bunso. Address ng bahay ang laman ng text ni Ginger. Kasama niya raw ang kaibigan niya ngayon.

Pinuntahan namin ang address na binigay niya. Ito ay sa Lot 8 Yellowville Subdivision, San Fernando.

Nakarating kami sa isang lumang mansyon. Maayos naman ito, hindi ito katulad nung mala-haunted house ni Henry Samuel sa Porac.

"Text mo, Bubbles. Sabihin mo kay Ginger nasa tapat na tayo ng mansyon na sinasabi niya," mungkahi ni Ate Eris.

"Bakit Ate Eris? Ayaw mo yatang bumaba? May trauma ka na ba sa mga lumang bahay?" Tukso ko sa kanya.

"Naniniguro lang," sagot naman niya.

"Sila po ba hinihintay natin Ninang Ganda?" Singit ni Princess at nakaturo kay Ginger na may kasamang papalapit sa kotse namin.

Pinapasok na nila kami sa mansyon at dinala sa garden. Maraming bonsai ang nakapalibot sa lugar. Napaka-presko!

"Siya nga pala si Anne kaibigan ko." Pakilala ni Ginger sa katabi niya.

"Hello po!" Nahihiyang bati niya.

"Ano ba iyan, Anne? Ikaw pa talaga ang nahiya sa kanila? Ikaw kaya ang nakatira dito." Hampas nito sa braso ng katabi niya.

"Feel at home lang kayo ha? Kuha lang ang ako ng meryenda sa kusina nila. Hoy Anne! Kausapin mo ang mga iyan ha?" sabi ni Ginger.

Natawa kami kay Ginger. Ibang klase! Bisita rin ba talaga siya dito? Parang sa kanya ang bahay sa asta niya.

#AríyaWhere stories live. Discover now