CHAPTER 27: FAMILY GATHERING

Start from the beginning
                                    

Why would I?

Dahil hindi iyon katulad ng iniisip mo

Ano ba ang iniisip ko?

Ewan ko sa 'yo, bakit sa akin mo tinatanong?

Let's meet on Monday sa school park after class.

👍

Hindi na ako nakapag-reply after nun kaya Ni-like zoned ko na lang siya. Ewan ko ba kung ano ang mayroon sa kaniya at ang dali na naman niya akong napapayag.

Ano naman kaya ang kailangan niya at gusto niya pang mag-meet kami sa Monday sa school park? Kapag 'yan about na naman sa research, makikipalit na talaga ako ng group mate sa iba.

AKALA ko ay makakatulog ako nang mahaba dahil Sunday ngayon pero bigla na lang akong ginising ni Yaya sa malalakas niyang katok at pagsigaw.

"Ang aga naman, Yaya. Inaantok pa ako eh," reklamo ko habang kinukusot pa ang mga mata ko.

"Ikaw talaga, noong isang araw gustong-gusto mong umuwi ang parents mo tapos ngayong uuwi sila, tinatamad ka naman."

Uuwi sila?!

"Talaga, Yaya?! Uuwi sila?!" excited na tanong ko at dali-dali tumayo mula sa pagkakahiga.

"Oo, pero hindi mo na kailangang sumigaw, nabibingi ako," sagot niya at pilit na lumalayo sa akin dahil niyuyugyog ko ang balikat niya.

"Sige, maghihilamos lang ako!" hindi pa rin makapaniwalang sigaw ko.

"Anong maghihilamos? Maligo ka na dahil dederetso tayo sa grocery pagkatapos natin sa simbahan, darating ang mga relatives niyo!"

Kagaya ng sinabi ni Yaya ay naligo na nga ako at nagbihis. Good thing na nandito si Kuya Japeth kaya may taga hatid at taga sundo kami. Nakakainis talaga minsan ang parents ko pero miss na miss ko pa rin sila.

"Bakit sila uuwi?" curious na tanong ko kay Yaya habang naglalakad kami sa grocery.

"Bakit? Ayaw mo ba silang umuwi?" imbis na sagutin ay tinanong lang ako ni Yaya.

"Hindi naman sa ganun, curious lang ako. Siguradong may malaki silang dahilan para umuwi," saad ko.

"Actually, aalis rin sila kaagad bukas. Gusto lang nilang umuwi dahil birthday mo. Surprise dapat nila sa iyo 'yun pero hindi na surprise dahil sinabi ko na sa 'yo."

Seryoso? Uuwi sila dahil lang sa birthday ko. It's something new and I really appreciate it. Pero aalis rin pala sila bukas.

"Bakit bigla kang naging malungkot?" tanong ni Yaya nang mapansing biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ko.

"Hindi naman, akala ko lang kasi ay magtatagal sila ng kahit one week man lang," nakasimangot na usal ko.

"Huwag kang mag-alala, babalik din naman sila rito sa pasko. Sa ngayon ay isang araw lang muna sila sa Pilipinas dahil marami pa silang kailangang asikasuhin. Kapag natapos nila ang lahat ng 'yon, makakauwi na sila sa pasko," pagpapaliwanag ni Yaya kaya nginitian ko na lang siya. Naiintindihan ko naman sila pero hindi ko lang talaga maiwasang malungkot.

My Intelligent Boyfriend [COMPLETED]Where stories live. Discover now