Chapter 17:Suspect/s

Začít od začátku
                                    

"Sana nga mahuli na sila Gov. Uno at makita na ang mga nawawala. Nagdulot ito ng matinding pangamba dito sa lugar namin dahil na rin sa pagkawala ng anak ni Apung Ruby. Nakakaawa nga ang matanda dahil sa labis na pangungulila sa anak niyang babae," pahayag naman ni Ate Ara.

"Can we talk?" Mahinang bulong ng katabi ko.

Tumango naman ako at nagpaalam kami sa kanila. Umakyat kami sa kwarto upang mag-usap ni Bunso.

"Remember the black van we suspect of tailing us before?" bungad na tanong niya sa akin.

"Yeah. May lead ka na ba kung kanino iyon? Akala ko ba hindi nakaregister iyong plate number sabi mo noon?" Nagtataka kong tanong.

"Hindi nga nakaregister dito sa Pampanga. Nakaregister naman ito sa LTO ng Tarlac. The information states here said that it is owned by a certain Rafael Isidro." Pakita niya sa akin sa ni-research niya.

"Rafael Isidro. Isidro. Isidro. ISIDRO?" Gulat na reaction ko. Siya ba ang anak ng...

"Yes Isidro. I-S-I-D-R-O. Rafael Isidro the eldest son of Enrico Isidro. Enrico Isidro the no. 1 rival of Governor Uno in it's candidacy in running the governor here last election." She paused. "Tingin mo Ate Blossom may kinalaman kaya sila? You know, para masira iyong image ng kasalukuyang governor. Marami na ring mga bashers ang sumusulpot sa social media na binabatikos at sinisisi si Governor Uno dahil sa mga insidente."

"Ano bang business ng family nila?" tanong ko naman.

"Wait! Pahiram ulit!" Kinuha nito ulit sa akin ang laptop at nagsimulang nagtitipa.

After a couple of minutes, she handed me the laptop again. "There! See! Primary information lang. Aish! Bakit ba masyado silang pa-mysterious?"

"Sisig Keng Marangle," mahinang bulaslas ko.

"Ah! Iyan? Natanong ko na si Ate Eris tungkol diyan. Business daw nila iyan. Akala ko nga nung una kakaibang luto ng sisig. Iyon pala ang ibig sabihin niyan 'sisig na nakahain sa bukid'. A restuarant which is their main dish is sisig. Let's try it! Sisig is life! Yay!" Sabik na sabik na mungkahi niya.

Napahawak ako sa baba at napaisip. Paano kaya kung sila nga ang may pakana ng lahat ng ito? Tapos ang main goal nila mawala ang tiwala ng mga tao sa kasalukuyang gobernador. So that they will easily reign in the candidacy next election?

Napa-iling ako.

"Why? Hmp! KJ as always!"

Natawa ako ng magwalk-out siya at pumasok sa banyo.

Maya-maya saktong bukas ng pinto sinalubong ko siya ng mahigpit na yakap.

Pak!

"Oh my! I'm sorry. Aish! Gulatin ba naman ako?" Hinimas-himas nito ang pisngi kong nasampal niya.

Hinila ko siya paupo ulit sa kama at hinimas muna saglit iyong pisngi ko. "Sakit noon ha!"

Napangiwi siya.

"Anyways, back to our topic. Sumagi kasi sa isip ko iyong nabasa ko last time. Baka ganoon din iyong nangyari doon sa mga nawawala," sabi ko.

"Ha? Ano naman?" tanong niya.

"Sina Enrico Isidro iyong katunggali ni Gov. Uno, tama?" Tumango naman ito bilang sang-ayon. "Tapos may sisig restaurant siya." I pause waiting for her reaction.

Since none, I continue. "Baka lang naman ha! Hindi ako sigurado kung ganito nga ang nangyari sa mga nawawala. Let just say it involves having a merciless culprit who happen to ..." Pabitin ko.

"Don't tell me." She pause with wide eyes. "Nahuman trafficking sila!" Pasigaw na bulalas nito.

Mabilis ko namang tinakpan ang bibig nito at nagkasalubong ang kilay. "Paano mo naman nasabi?"

#AríyaKde žijí příběhy. Začni objevovat