Chapter 10:Action Man

Start from the beginning
                                    

After he state everything he did for the case, all of a sudden guilt is seen in his face.

Napakurap pa ako para masiguro na tama ba ang nakita ko. Ngunit ngumiti ito ng napansin akong nakatingin sa kanya. Marahil ang nakita ko sa mukha niya ay dahil hindi pa nila nahahanap ang mga nawawala.

"Kaganaka na talagang idol ne, Apo? Lawen mu o, karakal na binye. Dininan naku pang dinalan. Atin kung dinalan! Atin kung dinalan! Atin kung dinalan!" Wagayway ng bata sa isandaang pisong papel. "Pakit ke pa kang tata ko kauli! Panyad ko ring pancit di maku ne, Apo? Peyborit ne ini, Apo."

"Wapin, ya kabud makanta. Wa sige manuli kayu." Masayang tugon ng matanda.

Umuwi kaming may dalang balot ng pancit para nga kay Ate Ara. Natuwa naman ang Nanay ng bata.

"Hanga rin ako sa governor nila dito. Grabe iyong mga dala niya, ang dami! Tapos iyong mga pinagawa niya sa lalawigan na malaking naitutulong sa mga kapampangan. Mabilis pang kumilos, no wonder he was branded as "The Action Man". Bakit hindi siya tularan ng mga officials natin sa Manila. Wala silang ibang alam kundi mangako at mangurakot!" sabi ng kasama ko. Nandito kaming dalawa ni Bubbles sa sala. Naikumpara pa talaga niya ang mga opisyal namin sa Maynila kay Gobernador Uno ng Pampanga.

"Kaya mahal na mahal siya ng mga taga rito. May walong taon na siyang naninilbihan sa aming lalawigan. Talagang binibigay niya lahat ng makakaya niya para sa mga nasasakupan. Noong isang taon nga nagbigay siya ng mga binhi ng palay at mais sa mga kalugar namin dito na may mga palayan." Singit ni Kuya Manolo na nakatayo sa likod namin. Narinig niya pala si Bubbles. Nagsasalita pala siya? Ngayon lang kami nito kinausap ni Bubbles.

"Mauna na tayong kumain. Pabayaan na lang muna natin si Eris sa kwarto. Nagpahilot ng ulo sa akin, ayon nakatulog." Kasunod ni Ate Ara si Princess na malungkot. Marahil nag-aalala sa kanyang Ninang.

Sisig ang ulam namin ngayong gabi, gawa ni Kuya Manolo. Masarap! Magana ring kumain si Bubbles. Kinulit pa niya si Kuya Manolo kung ano angbmga sangkap at proseso ng tamang pagluto. Mas gusto niya daw ang lasa ng sisig na kinakain namin ngayon kesa sa sisig ng Papa niya.

"Nagsinunggaling ulit siguro iyang si Eris o may tinuruan mag-sinungaling." Baling nito kay Princess na umiling lang sa Ina. "Natatandaan ko pa noong anim na taong gulang siya sumakit din ng ganyan iyong ulo niya. Nagpapahilot sa Nanay namin. Umabot nga iyong sakit sa ulo niya ng isang linggo. Wala naman daw problema sa kanya sabi ng mga doktor noong pinatingin namin," kwento na lang bigla ni Ate Ara.

Kaya matapos naming makakain, pinaghanda namin ng pagkain si Ate Eris. Dinala namin nina Bubbles at Princess ito sa kwarto niya. Nadatnan namin siyang gising na pero nakatulala lang na nakatingin sa kisame.

"Ninang Ganda may lizard?" Tingin ni Princess sa kisame kung may butiki nga.

Natawa sa kanya si Ate Eris. "Wala. Nag-abala pa talaga kayo. Pero salamat na rin. Akin na nga iyan."

Hindi na siya namumutla pero sa tingin ko sumasakit pa rin paminsan-minsan ang ulo niya. Napapahawak na lang kasi ito bigla sa ulo.

"Masakit pa po ba Ate Eris? I can massage it if you want. Tinuruan ako ni Mama ng tamang paraan how to massage effectively." Presinta ni Bubbles matapos kumain ni Ate Eris.

"Naku hindi. Keri ko pa naman, malayo ito sa bituka." Natawang biro ni Ate Eris.

"Pero totoo bang dahil sa nagsinungaling kayo kaya sumasakit ang ulo mo? Paano nangyare iyon, Ate?" Hindi ko kasi lubos maisip na maaring mangyari iyong ganoon. Strange!

Hindi ito nakapag-salita. Nagkatinginan kami ni Bubbles. So silence means 'Yes?'

"Bakit ang tahimik niyo po Ninang at mga Ate?" Inosenteng tanong ng bata na papalit-palit ng tingin sa aming tatlo.

"Hindi naman mahalaga iyon. Oo nga pala, paano na? Hindi ko kayo masasamahan sa pamamasyal niyo dito." Kindat sa amin ni Ate Eris. Iyong pamamasyal na sinasabi niya ay iyong pag-iimbestiga namin ng pasikreto. "Tinext ko naman si Buknoy ayaw naman niya kayong samahan. May trabaho na daw ito bukas. Hindi naman marunong magmaneho si Kuya Manolo."

"Mamasyal sila Ninang Ganda? Sama ako! Punta tayo sa may park bukas mga Ate. Maraming slides doon tsaka seesaw. Maraming cotton candy. Ice cream. Tsaka balloons. Masaya doon mga Ate! Punta tayo ha?" Sabik na sabik na pakiusap ng bata.

"Naku baby ..."

"Okay lang Ate Eris. Sige Princess punta tayo sa parke bukas. May dalang kamera itong si Ate Bubbles mo. Pakuha tayo ng maraming litrato. Gusto mo ba iyon?" tanong ko.

"Talaga po? Sige! Magpapark kami! Magpapark kami! Magpapark kami! Maiwan si Ninang Ganda kasi nasakit pa ulo. Nye! Nye! Nye! Joki joki lang! Love na love kaya kita Ninang Ganda. Sarap ng mga pasalubong mong strawberry. Naubos na nga po! Bili mo pa ako ng maraming ganoon ha?" pakiusap pa ng bata. Kay Ate Eris pala galing iyong nilalantakan nitong mga strawberries kanina.  

"Pahug nga!"

Nagyakapan nga ang mag-ninang. Sweet na bata at lagi kang masaya kapag kasama siya.

Sa aming kwarto...

"Grabe! Nosebleed! Wala akong naintindihan doon sa dasal ni Princess. Hindi man nag-abalang itranslate sa atin ni Ate Eris. Nganga lang tuloy tayo. Pero ang sarap pakinggan ng boses niya, ang lambing! Pustahan magiging mahusay na singer iyon someday. " Komento ni Bubbles habang inaayos ang higaan namin. Iniwan na namin ang mag-ninang para na rin makatulog na si Ate Eris.  
"So adventure no more?"

Napabuntong hininga ako. Kanina ko pa nga iniisip iyon. Wala kasing marunong magmaneho sa amin. Hintayin na lang siguro namin na umayos ang lagay ni Ate Eris bago ituloy ang plano.

"Ang dami nilang figurines na angel dito. Namiss ko tuloy si Mama. Tasa naman hilig niya, may isang cabinet nga siya na lagayan sa bahay. Puno iyon! Hindi pa maawat ni Papa na bumili kapag may nagustuhan sa mall," kwento ni Bubles. Ako rin miss na sila. Mabuti pa si Gelo kinumusta ako kanina, ang mga parents ko wala man lang paramdam.

"Ito napansin ko lang ha? Tutal nabanggit mo na rin lang ang mga anghel nila. I'm wondering also why angels? Not pictures or replicas of God, right? Though I knew they believe our God, in fact I observed they value prayer. Ewan. Kung anu-ano itong naisip ko. Huwag mo na lang pansinin." Natatawang paliwanag ko sa walang kwentang sinabi ko.

"Yeah, right! Kaninang hinatid ko si Ate Eris dito sa bahay nila naitanong ko kay Ate Ara saan galing iyong mga angel figurines. Napansin niya kasi akong pinagmamasdan iyong kwintas ni Ate Eris na suot niya. Nagtataka din kasi ako sa unang araw pa lang natin dito bakit nagkalat ang angel figurines. I thought they crafted them but I'm wrong. Sabi ni Ate Ara collections daw ang mga iyan ni Ate Eris. Simula pagkabata hilig niya daw magpabili ng mga angel figurines kesa mga laruan. Mas dumami sila nung nagkatrabaho daw si Ate. Kasi sariling pera na pinambibili niya. Nung narinig ko ang paliwanag ni Ate Ara isang word lang ang pumasok sa isip ko .... "

"Weird!" Sabay naming bigkas at natawa dahil pareho pala kami na iyon ang iniisip.

We end our day with that thought in our minds. Hoping also the next couple of days we can able to do our goal why we're here. 

#AríyaWhere stories live. Discover now