37 🍒 Sorcery World

24 0 0
                                    

(Ella)
•••

"Where are we going exactly?" Tanong ko kay Erios habang naglalakad kami sa gubat na puno ng makukulay na bulaklak.

Nakailang ikot na rin kami sa kagubatan subalit wala pa akong nakikita ni isang maliit na bahay man lamang. Iniisip ko tuloy na baka sa tagal na ng hindi pagkakauwi ni Erios sa sorcery world ay nakalimutan na niya ang daan.

Natatawang nilingon ako ni Erios. "Too much excitement on seeing your true parents? Malapit na tayo. Naghahanap lang ako ng malapit-lapit na portal," luminga-lingang sabi nito.

Peter let out a frustrated sigh habang nakahawak sa kamay ko at sinusundan si Erios.

"Are you just trying to get even with me? Kung inaasahan mo na mapapagod ako sa paglalakad, si Ella lang ang sinusubukan mong pagurin," halata ang pagkainis sa boses niya.

Umingos si Erios. "Silence, you blood-sucking boy," huminto si Erios pagkatapos ay lumingon at itinapat ang isang palad sa mukha ni Peter.

"Bakit ko naman papagurin si Ella? I just need to find that special flower and smell its pollen to make a portal going home. Bakit ba ako nagpapaliwanag sayo. Iisipin mo lang na nababaliw ako," hindi na kumibo si Peter sa sinabi ni Erios.

Napansin ko na lang natawa siya ng bahagya. Lalo na nung sisinghot-singhot na si Erios sa paligid. Pihado ko na sa ngayon ay iniisip na talaga niya na nababaliw na si Erios.

Napasulyap ako kay Arabelle. Tahimik lang siya na nakatingin sa amin. Nagtama ang mga mata namin. Bahagya akong napangiwi ng ngumisi siya sa akin habang nakatitig siyang mabuti.

Ilang saglit pa kami sa ganoong posisyon ng marinig namin ang boses ni Erios. Binawi ko na ang tingin kay Arabelle at ibinaling ito kay Erios.

"I found it," natutuwang turan nito na nakatitig sa isang bulaklak na may kakaibang mga talulot.

Inamoy niya ito at umusal ng panalangin. Ibig ko na ring matawa sa ginagawa niya. Subalit pare-parehas kaming natigilan ng may lumitaw na liwanag sa harapan namin. Nakakasilaw ang liwanag na taglay nito.

Unti-unting nawala ang liwanag sa paligid at naghugis pintuan ito. Napataas ang kilay ko. Erios was right. Natutuwa naman ako at kabisado pa rin niya ang sorcery world.

Lumingon siya sa amin, partikular kay Peter na ngayon ay tahimik lamang. "Mind-boggling, ain't it?" Ngumiti siya ng pagkatamis. "Let's go," nauna na siyang pumasok.

Peter held my hand as he follows Erios. Hindi ko naman maihakbang ang mga paa ko. Bigla akong kinabahan. Hindi ko yata kayang gawin ito.

Peter looked back at me with a quizzical expression in his eyes. It seems as if he is trying to read my mind. Unfortunately, he couldn't. I'm still wearing the necklace that he gave me.

Sa pagkakataong ito, alam kong walang ibang dapat makaalam ng mga iniisip ko kung hindi ang sarili ko lamang.

I smiled at Peter. He doesn't need to know that I'm having second thoughts about this. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya.

"Tara na. Nasasabik na kong maipakilala ka sa tunay kong mga magulang," hindi nawawala ang ngiti sa mga labi ko.

He studied my expression for a while then eventually nodded. Hawak-kamay naming tinawid ang portal.

Nilingon ko si Arabelle upang tawagin sana, pero hindi ko siya nakita sa likuran ko. Where is she? Baka kasabay ni Erios na pumasok sa portal nang hindi ko namamalayan.

My eyes widened in amazement as we approached the entrance of the sorcery world. What we've seen earlier was just a soft boost of what sorcery world is about.

He Sucks • COMPLETED ✔️Donde viven las historias. Descúbrelo ahora