40 🍒 end of a beginning

27 0 0
                                    

(Ella)
...

I still can't believe that Loly is in front of me now. As much as I want to see her, I still can't figure out how she got here in the sorcery world.

Napaigtad ako ng maramdaman ko ang mahigpit na pagyakap niya. I gasped. I missed her. Gumanti ako ng yakap.

"Loly, how did you get here?" I immediately asked as we freed from the hug.

Napakamot naman ng pisngi si Loly at tinatangkang isipin ang isasagot. I arched my eyebrows while waiting for her answer.

"Alam mo, yun nga din yung iniisip ko. The last thing I remember was someone asking me if I want to see you. Siyempre pumayag ako agad agad. Miss na miss na kaya kita, girl," bakas ang pagkasabik sa boses niya, pagkatapos ay hinawakan ang mga kamay ko.

Itinuloy niya ang pagsasalita. "Kaya lang nagtataka ako kung nasaan tayo ngayon. I tried accessing my phone but it isn't working. Para tayong nasa teatro, Ella. Ang daming props dito. Tapos yung mga tao, kakaiba manamit. Kaya nga hindi ako makalapit sayo kanina pa, Ella," paliwanag ni Loly.

I frowned for a while. Totoo nga. Si Loly nga ang nakita namin ni Peter kanina.

Hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Loly pagkatapos ay tumitig sa mga mata niya. There is a reason why she is here.

"I know what I'm about to tell you is impossible to believe but, Loly, wala tayo sa mundo natin. The ones you saw wearing long capes and using magic are not just actors. They are sorcerers," I said slowly just so that Loly could process it in her mind.

Napanganga siya, pagkatapos ay kunot-noong itinuro ang paligid. She then looked at me with bewilderment in her eyes.

"I-ibig sabihin, ang lahat ng nakikita ko ngayon ay parte ng isang mundo na puro magic, ganoon ba?" paniniyak niya habang iginagala pa rin ang paningin sa paligid.

Hindi ko pa man nasasagot ang tanong niya ay biglang umilaw ang suot kong bracelet. Isa lang ang ibig sabihin nito. Nakabalik na ang mga gabay ko. Napapikit ako at dinama ito.

At the back of my mind, I really want to know what happened to Peter. Hindi ako nakaramdam ng panghihina ng katawan. The battle was over. Tuluyan nang pumayag si Peter sa kasunduan nila ni Camuel.

I sighed.

Natigil lamang ako sa pag-iisip ng maramdaman kong hinila ni Loly ang braso ko. Nang tiningnan ko siya ay hawak na niya ang bracelet ko. My eyes widened in panic. Baka kung ano ang mangyari kay Loly kapag hawak niya ito.

Ngumiti ako kay Loly at kalmadong nagsalita. "Girl, can I get my bracelet back? Hindi kasi ako sanay na walang palamuti sa katawan. Kaya babawiin ko muna sayo iyan," palusot ko sa kanya.

Tila aliw na aliw naman si Loly habang pinagmamasdan ito. Mayroong kakaibang ngiti sa mga labi niya habang hawak ang pulseras ko. That feeling alone gives me chills.

Just when I was about to reach for my bracelet, I heard Erios' worried voice from behind. Napalingon ako sa kanya.

"Ella, nandito ka lang pala. We were utterly worried for you. Your parents are waiting for you at the safe place. Halika na. Ano bang ginagawa mo dito?" Nagtataka niyang turan.

Panandalian kong nakalimutan ang bracelet at nagmamadaling lumapit kay Erios. He'd be happy to hear that Loly is finally at the sorcery world.

He frowned at me, gauging my words after I tell him about Loly.

"Si Loly? Imposible yun, Ella. Mortals can't come here. They can't do that without a legit guide. And in your case, I was the only legit guide na ipinadala para sayo. Kaya Loly can't be here," paliwanag niya.

He Sucks • COMPLETED ✔️Where stories live. Discover now