10 🍒 risk of wanting him

1.8K 50 7
                                    

(Ella)
•••

Is everything a dream? I hope so. Matalim ang tingin sa akin ni Peter. Hindi katulad ng Peter na nakasama ko na halos hindi ko na gustong mawala sa paningin ko.

Sa mga sandaling ito na magkaharap kami, sumasaglit sa isip ko na sana hindi na lang ako dumating pa sa apartment. Somehow at the back of my mind I still wanted to see him. I ached to see him.

He is looking at me with an evident loath in his eyes. He walks slowly towards me and with each step that he took also takes my breath away.

Inisip ko na lang ang nangyari sa amin sa kuwarto ko. That kiss. I don't want to think that he will hurt me. I believe he is incapable of doing that, that he wants me the way I want him.

"What you had foreseen was not totally yours. You got it from me. May isang bahagi ng pagkatao ko ang nabuksan at nakilala mo. You are now a part of my world."

Bigla kong naalala ang mga binitawan niyang salita nung huli kaming nagkita. Lahat ng nakikita ko ngayon parte na ng mundo niya.

Lahat ng ito ay kailangan kong tanggapin. I chose to be a part of his world. Ngayon pa ba ako babalik sa dati? Hindi ko na kaya.

"Peter, please. Nandito na ako, huwag ka nang m-magalit. Hindi ko kasi namalayan yung oras. Sorry," parang eksena sa panaginip ko na kailangan kong manghingi ng awa para sa buhay ko.

Naramdaman ko ang mainit na paghinga ni Peter sa bandang leeg ko. Naramdaman ko din ang bulto ng katawan niya na malapit na sa katawan ko.

Gusto ko siyang yakapin sa ganitong pagkakataon, ipakita sa kanya na hindi ako natatakot sa maaaring mangyari. Nakakatawa pero, tila nanghina ang katawan ko at isip ko. I can't function well. Umungol siya.

"Do you know how badly I want to drink your blood right now, Ella?" Sensual but dangerous, that's how I viewed his voice.

"I hate people who break promises. Mostly if it's a promise I value with all my might and being," napaungol na naman siya.

Sa pagkakataong ito, may galit at panibugho na ang ungol niya. I opened my eyes to meet his. Peter is looking at me with no mercy at all, I tried softening my expression para maalala niya na hindi ako kaaway.

Itinaas ko ang isa kong kamay upang hawakan ang mukha niya, pero sa halip na hayaan niya ako, hinawakan niya ang kamay ko at pinigil ito sa hangin. Pain registers in my face.

Bakit parang pakiramdam ko, tinanggihan ako ng buong mundo sa simpleng pagpigil niya sa kamay ko na mahawakan siya?

"Hindi mo ako puwedeng hawakan. Not now, lady," his voice had changed into a more intense level.

Sinukat ko ang mga titig niya. Matalim. Tuso. Wala ako ibang nakikita sa mga mata niya kung hindi galit. Malamang sa akin.

"W-why can't I touch you? Galit ka sakin dahil late ako sa pagkikita natin, ganoon ba? Nandito naman na ako. Hindi ko alam kung saan ako lulugar sayo," naiiyak kong sabi sa kanya. Napalunok sa taglay niyang kakisigan habang nakatingin ako sa kanya.

"Excuses. Kayong mga tao wala kayong silbi pagdating sa pagbibitaw ng pangako. I want to punish you, alam mo ba iyon. Hinintay kita. I wanted to slow down the hours but I can't because a promise given to a vampire is sacred. Hindi mo maiintindihan, Ella," he is shouting right at the moment.

"Tama ka nga. We, humans have no sense of being true to a word pero ibahin mo naman ako sa katulad kong tao. Hindi kita kinalimutan," I didn't get the chance to finish my sentence because the necklace given by Peter started to show a gleam light.

Napatingin ako sa kuwintas. Unmindful of what it did, binawi ko ang kamay ko mula sa kaniya at hinawakan ko ang kuwintas.

"Of course. You were lying," bumaba ng kaunti ang boses ni Peter.

He Sucks • COMPLETED ✔️Where stories live. Discover now