7 🍒 barred from tasting him

2.6K 53 3
                                    

(Ella)
•••

Nagising ako na wala si Peter sa tabi ko. Inilibot ko ang paningin ko sa lugar na kinalalagyan ko. Sobrang dilim ng paligid. I firmly massaged my head to think about the preceding event that took place before I even got here.

Ano nga ba ang nangyari? Peter held me in his arms as tightly as he could. Yung matipuno niyang pangangatawan at ang paraan ng pagtingin niya sa akin, that was what I only remember.

Hindi na ako natatakot tulad ng takot na naramdaman ko when I was with him at the old apartment. Nasaan na nga ba ako? Sinampal ko ang sarili ko, a hard, painful slap. Gusto kong maalala ang nangyari. I can't remember. My head's aching like it was slammed on something.

"Peter," I exclaimed and called for his name. Walang Peter na lumapit sa akin.

Mariin akong pumikit. Various images flashed on my mind. Naalala kong bigla si Loly, then naalala ko si Jackson. Magkakasama kaming tatlo while walking. Naalala ko si Peter, pati na ang emosyon na naramdaman ko habang nasa tabi ko siya. Naaalala ko na ang lahat.

I was so frightened. Deeply terrified from something that I thought had caused me hurt, kung ano iyong kinatatakutan ko ay hindi ko maalala. It feels like something is blocking that information from me so that I won't recall it.

Sinubukan kong lumakad. Baka sakaling makita ko ang daan papalabas. Nasaan na ba kasi si Peter? Habang binabagtas ko ang daan papalabas sa madilim na lugar na kinalalagyan ko, naramdaman kong parang may sumusunod sa akin. Umandar na naman ang kaba ko sa dibdib. Who could it be?

"Peter?" Tawag ko.

Sinubukan kong lumingon pero walang silbi dahil sa dilim ng paligid wala rin akong makita. I let out a curse, then started saying a prayer.

Naramdaman ko na lang na may sumunggab sa akin mula sa likuran ko. Kumapit ito sa katawan ko at mahigpit akong hinawakan sa bewang.

Sobrang diin ng pagkakayakap niya sa akin. Kinagat niya ako sa bandang balikat at ramdam ko ang sakit hanggang sa kaibuturan ng buto ko.

"Stop, please," I shouted as the pain stings.

Habang nakabaon ang mga ngipin niya sa likuran ko, I heard a familiar voice calling me from afar. I tried moving. Naigagalaw ko lahat ng parte ng katawan ko.

Ella, Ella, Ella.

Papalakas ang boses na iyon. While I was struggling for my life, I saw a flicker of light coming towards us.

Nang sa wakas ay inabutan siya ng liwanag ay saka pa lang siya humiwalay sa akin. Hinawakan ko ang likuran ko na ngayon ay inaagusan na ng maraming dugo. The pain is stinging too much that I can't bear to say a single word.

Am I dying? Tumingin ako sa kaniya, sa taong kumagat sa akin mula sa dilim. I became instantly horrified from seeing him. His eyes are bloody red and it pains me to see that he is way too familiar.

Nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. He is growling and panting. Kumabog ang puso ko. He has fangs.

Gulat ang rumehistro sa mukha ko habang inaalala ko kung saan ko siya nakita. Hindi maaari. Paanong?

Si Peter ang gustong pumatay sa kin?

"Ella, wake up," I heard someone called me.

Nalaglag ako mula sa kung saan. Tila nilamon ako mula sa aking kinatatayuan.

Saka pa lang ako tuluyang dumilat. Nakita ko ang nag-aalang mukha ni kuya Brandon.

Tumingin ako sa paligid ko. Lahat ng tingnan ko ay pamilyar na sa akin. Bahay na namin ito. Kuwarto ko na ito. Oh my, isang masamang panaginip lang pala ang lahat.

He Sucks • COMPLETED ✔️Where stories live. Discover now