17 🍒 deeming confusion

878 23 12
                                    

(Ella)
•••

I'm doomed,

Mga salita na paulit-ulit na binabanggit ng bibig ko habang nagmamadali kong hinahanap ang aklat ng supernatural sa kuwarto ko.

Tulad ng sabi ni Peter, hindi ko magagamit ang aklat kung hindi ko ito kailangan. Siguro naman sa ganitong pagkakataon maaari ko itong mabuksan.

Binuksan ko ang bag ko upang hanapin ang aklat pero nabigo ako. Natatakot ako, oo. Natatakot ako na malaman kung ano na talaga ang nangyayari sa paligid ko.

Hindi ko magawang sagutin ang sarili kong tanong dahil baka lumalim ang pag-iisip ko at mas lalo pa akong mahintakutan.

Sino nga kaya ang nakasama ko kanina na kamukha talaga ni kuya Brandon. Malinaw naman ang sinabi niya sa phone that he can't make it at home tonight and as frightening the situation is, kailangan kong harapin ang mga bagay na ito na nangyari lang lahat sa loob ng halos isang linggo.

"Sa wakas nakita rin kita. Bakit ang tagal mong nawala? Tulungan mo akong bumalik sa atin yung amo mong masungit, ah? Sa totoo lang miss na miss ko na siya," pabulong kong sinabi sa aklat ng makita ko ito sa ilalim ng unan ko.

Parang ang tagal kong nawala, kasi sa pagkakahigpit ng yakap ko sa libro, parang ayaw ko na itong pakawalan.

Sa totoo lang miss na miss ko na si Peter. Kahit hindi pa kami pormal na nagkakaharap kasi hindi ko pa nakikita ang mga mata niya, wala sa akin iyon. Puso naman ang nagmamahal, hindi mata.

Binuksan ko ang libro. Tulad ng dati, kusa itong lumipat sa pahina na gusto nitong ipabasa sa akin.

Vampire Diseases.

Yan ang title ng article na nasa harapan ko. Lagnat o ubot kaya? Minsan kasi ay ang lamig ni Peter. Ang natatandaan ko lang na mainit sa kanya ay ang kanyang mga labi.

I blushed at the thought of feeling his lips.

Dalawa ang uri ng sakit na nakita ko sa libro. Yung una ay ang sakit na maaari nilang maibigay sa tao that they have come in contact with.

At ang pangalawa ay ang pumukaw ng atensiyon ko, ang sakit na maaaring ikapahamak ng lahi nila. Worst scenario, maaari nilang ikamatay.

Sangue Debolezza. The term "Sangue Debolezza" comes from Italian, literally translating to "blood weakness". The symptoms of Sangue Debolezza include severe exhaustion and chronic headaches, followed by nausea, which eventually leads to starvation in many cases.

Ang lalim ng ibang mga salita pero naintindihan ko naman kung susumahin. I bite my lip as I continue reading the article.

Kung maaari nilang ikamatay ang pagkagutom dahil sa hindi pag-inom ng dugo, then what more likely would happen to Peter if he is in a deep sleep? Could it be possible that he might be starving himself to death?

Biglang bumalik sa isip ko ang narinig kong pag-uusap mula sa dalawang college students na babae sa library a few days ago. The girls said that the dead man was assumed to be bitten by a vampire.

"Alam kong hindi si Peter iyon," I said with certainty.

Inilatag ko ang katawan ko sa malambot na kama at humiga.

"Of course he wouldn't do that. He knows how to control himself," napalingon ako sa narinig ko.

Hindi si kuya Brandon, si Jackson at mas lalong hindi si Peter ang may-ari ng boses. A warning bell rang inside my mind. Naaalarma akong bigla.

"I'm Camuel, Peter's friend. Ni sa panaginip hindi ko mahagip na gagawin niya ang ginagawa niya ngayon. He is sometimess impulsive, but oftentimes has discipline within him kaya hindi ko inaaasahan na pati ako, hindi ko siya magawang makausap. Nangyari lang iyon simula nung makilala ka niya," seryoso ang tono niya.

He Sucks • COMPLETED ✔️Where stories live. Discover now