15 🍒 blinding deception

1.4K 35 10
                                    

(Ella)
•••

Habang tinititigan ko si Arabelle ay nababasa ko ang matinding pag-aalala niya para kay Peter. It's not that I doubt her affection towards him pero hindi ko rin maialis sa isip ko kung ano nga ba talaga ang namamagitan sa kanilang dalawa.

"Hey, ano bang iniisip mo? Bakit wala kang kibo diyan? We are talking about life and death scenario here. If you are willing to help Peter, tulungan mo naman akong mag-isip ng paraan kung paano siya maibabalik sa katawan niya." Arabelle's words are lacerating, parang sugat na mahirap pagalingin. Hindi ko alam kung bakit parang tinatraydor ako ng sarili kong pag-iisip.

"Hindi ko alam kung ano ang maitutulong ko sa kanya, Arabelle. Alam mo ba, hindi ko rin alam kung panaginip ba ang nangyari sa akin o parte na rin ng madayang mundo ninyo. Sorry," tumalikod ako at hinanap ng mga mata ko si Loly. Nasa isang sulok siya at matamang nakatitig sa amin, lalo na kay Arabelle.

"You don't know what you are saying, Ella. This is not about you. Tungkol ito kay Peter. Nangyari na ito sa kanya dati pero iba ang sitwasyon ngayon. Siya mismo ang ayaw bumalik. At kapag tuluyan siyang hindi nakabalik sa katawan niya hanggang mamayang gabi, he would vanish into thin air," kaswal ang pagkakasabi ni Arabelle na may kahalong pangamba.

I swear I want to run away from this place and go to Peter as fast as I could pero hindi ko pa rin maialis sa isip ko ang mga sinabi ni Peter. Hindi niya ako kayang mahalin. Love is overrated. Love means nothing to him.

"Ella, I hope you know how important this matter is. Hindi ito isang bagay na basta mo na lamang tatalikuran pagkatapos mong malaman ang lahat. Tulad nga ng sinabi ni Peter sayo, ipinakilala ka niya sa mundo niya, sa mundo namin. Ngayon, gawin mo naman ang parte mo kung talagang mahal mo siya," nagpanting ang tenga ko sa narinig ko sa kanya at naipalo ko ang palad ko sa mesa, dahilan upang manlaki ang mga mata ni Arabelle at bigyan ako ng nagtatakang titig.

"What's happening to you? I know for a fact that you care for Peter. If not, we won't be talking now. Hindo na ba siya mahalaga sayo, Ella?Are you willing to throw your love for him away?" Arabelle's voice is piercing.

I firmly closed my eyes. Peter is important to me, but I have a feeling that won't get me anywhere.

"I'm sorry but you have to go, Arabelle. I don't want to drive you away pero may trabaho pa akong dapat asikasuhin. Masyado pa akong bata para sa mga ganyang bagay na kayo na lang dapat ng kapatid mo ang dapat humarap. Excuse me," tumalikod ako para tunguhin na sana ang counter pero hindi binitawan ni Arabelle ang kamay ko.

Her grip is getting tighter that it begins piercing on my skin. Hindi ako nagpakita ng sakit sa harapan niya, although I feel like being molded inside.

"You can't just get away from this, Ella. You chose to be with Peter. You chose to enter his world. Now you chose to destroy him. Hindi ako papayag na maglalaho siya ng basta ng dahil sayo lang. You don't even know what is at stake from all of this. Kapag nawala si Peter, mawawalan na rin ng balanse ang Vampire's Society. We will not be that strong without a fierce leader. Tapos mawawala lang siya dahil sa nararamdaman niya para sayo. Wag kang selfish," Arabelle's grip on my hand is tightening and hurting.

Parang umikot ang ulo ko ng marinig ko ang huli niyang sinabi. May nararamdaman si Peter para sa akin?

"Kung may nararamdaman man sa akin yung kapatid mo, I'm pretty sure it's hatred. He doesn't want to see me. Even hearing my name is unbearable to him. Mas mabuti pa nga sigurong pigain mo na lang iyang kamay ko, because I'm used of getting hurt," sa sinabi kong iyon ay biglang binitawan ni Arabelle ang kamay ko. She started showing off her fangs to me.

"A-arabelle? This is not what I want, okay. Ang gusto ko lang, yung matahimik na ako. Yung bumalik ang lahat sa dati bago ko nakilala si Peter, bago ko kayo nakilala. Hindi dahil sa pinagsisisihan kong nakilala ko si Peter. Siguro gusto ko lang takasan yung katotohanan na mahal ko na yung kapatid mo at tulad ng nangyayari sa pelikula, hindi puwedeng maging kami. Kasi nga, tao ako at bampira siya," a blister of pain registered in my voice.

He Sucks • COMPLETED ✔️Donde viven las historias. Descúbrelo ahora