27 🍒 ways of saving him

51 0 0
                                        

(Ella)
•••

Hindi ko muna pinauwi si Jackson upang makausap pa ng matagal. Ang dami kong gustong itanong sa kaniya at alam kong ito na ang tamang pagkakataon.

Pagpasok namin sa bahay ay hindi namin naabutan si kuya Brandon. Inabot na lang sa akin ng matanda naming kapitbahay ang susi. Napailing na lang ako. Si kuya Brandon, masyadong tiwala sa mga tao sa paligid niya.

"Jackson, upo ka muna. Maghahanda lang ako ng kakainin natin. Damihan mo ang pagkain, ah. Marami kasi akong inihandang tanong para sayo na for sure ay uubos ng energy mo," nagmamadali kong sabi pagkatapos ay pumunta ako agad sa kuwarto ko upang magpalit ng damit.

Hindi ko na naintindihan pa yung sinabi niya pero alam kong nagpoprotesta siya. Walang magagawa si Jackson upang pigilan ako sa mga bagay na nais kong malaman.

Ngayon pa na alam kong iisa lamang ang pinagmulan namin. Mas lalo akong naging komportable na kausapin siya.

Pagdating sa kuwarto ay tila namagneto ang aking katawan papunta sa kama ko. Pabagsak kong inihiga ang sarili ko rito at napasinghap. Parang ang tagal ko ring hindi nakapagpahinga ng ganito.

Iginala ko ang mga mata ko sa loob ng kuwarto ko. Napansin ko yung shorts na isinuot ko pagkatapos ng shift ko sa cafe noon. Ito yung suot ko noong araw na mapansin ko na ang daming groceries sa bahay.

Katabi nito ay ang bag ko na tila nakaumbok at parang may laman. I arched my eyebrows. Bakit parang interesado akong silipin ang nasa loob ng bag?

Tumayo ako at dahan-dahang lumapit sa bag. Baka mamaya bigla na lang sumambulat sa akin ang kung anumang laman nito at mapahamak pa ko.

Una ko munang kinuha ang shorts ko. Walang nangyari. Kinapa ko ang mga bulsa nito pagkatapos ay pinagpag. Walang laman.

Sunod ko namang kinuha ang bag ko na nasa tabi ng shorts. Mabilis ko itong hinablot at niyakap ng mahigpit. My eyes are closed, waiting for something to happen. Wala ding nangyari.

Napapraning na yata ako kakaisip. Kaya pati sarili kong gamit, pinag-iisipan ko ng kung ano-ano.

Naupo ako sa kama at binuksan ang bag na hawak ko. Napasinghap ako ng tumambad sa akin ang isang bouquet ng orange roses.

Medyo nalalanta na ito, pero hindi maikakaila ang ganda na taglay nito. Natatandaan ko ang mga rosas na ito.

Peter gave it to me. Doon mismo sa coffee shop kung saan ako nagtatrabaho. Peter gave these roses to me na may kasama pang two tickets sa concert ni Gary V., ang artista na idolo ko.

Hinanap ko ang tickets sa loob ng bag. Bukod sa iilang notebooks, pens, at workbooks ay wala akong nakitang tickets.

My eyes narrowed in amazement. Kung wala sa shorts at sa bag ang tickets, therefore, it had been used.

I remembered being with Peter that night. We went on Gary V's concert. Totoo iyon. Hindi iyon parte lamang ng isang ilusyon ko.

Arabelle wasn't fully telling me the truth. I gasped for that much needed air. Maaaring hindi ako nakarating noong gabing kailangan ako ni Peter, pero totoo na nakasama ko siya.

Agad kong inilapag ang bugkos ng rosas sa kama at kumuha ng pamalit na damit. Siguradong may kinalaman ang pagiging isang sorcerer ko sa nangyayari sa akin. At iyon ang dapat kong alamin kay Jackson.

Naabutan ko si Jackson na nanonood ng tv habang kumakain. I automatically raised an eyebrow and fake a cough. Napatingin siya sa direksyon ko. His eyes lit up.

"Ella, pasensya ka na at nakielam na ko sa kusina niyo, ah. Nagugutom na kasi ako since hindi ako nakakain ng breakfast. I'm sure ikaw din hindi pa kumakain. Join me?" Yaya niya bago sumubo ng pagkain.

He Sucks • COMPLETED ✔️Donde viven las historias. Descúbrelo ahora