4 🍒 nuances

2.8K 63 6
                                    

(Ella)
•••

As soon as I reached home para magpahinga, I noticed that my brother is cooking. I raised my eyebrows and smiled. Himala at nagluto ang kuya ko.

Parang may kakaiba kay kuya ngayon dahil tila inspirado pa siyang kumakanta sa harap ng lutuan.

Ibinaba ko ang bag ko sa center table at patakbong lumapit sa kaniya. I hugged him from behind.

"Naks naman ang kuya ko nagluluto ah? Ano po bang meron at parang inspired ka ngayon? Nakakapanibago ka naman yata," sinulyapan ko pa ang niluluto ni kuya, mukhang masarap ang Adobo niya.

Teka, bakit amoy Menudo? I shrugged my shoulders regarding that thought.

"Huwag kang umasa na lagi ko itong gagawin. Actually, nagsawa na ako sa canned goods kaya sinubukan ko kung kaya kong magluto ng Afritada. Mukhang madali lang naman at saka nagpaturo ako sa kapitbahay natin ng menu," pagkarinig ko pa lang ng sinabi niya ay napabunghalit na ako ng tawa.

Akala ko Adobo ang dish niya pero Afritada pala pero amoy Menudo. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi masyadong mahalata ni kuya ang pagtawa ko, although napansin kong napahinto siya sa pagluluto.

"Bakit? Natatawa ka siguro kasi gustong gusto mo nang tikman ang luto ko, ano? Sige, bago ko tikman, ikaw muna ang titikim. Ayos ba iyon ha, Ella?" Tinaas baba pa ni kuya ang kilay niya.

"H-ha? Sige lang kuya, tikman mo muna para may thrill. Akyat muna ako sa taas ah? Magpapalit lang ako ng school uniform. Ay, magtitimpla pala muna ako ng gatas. Kanina pa ko naglilihi sa gatas," natawa ako. Maski si kuya natawa rin.

Habang nagtitimpla ako ng gatas ay naisipan kong buksan ang refrigerator at kumuha ng ice cubes since I want my milk served cold.

Pagkabukas ko ng ref ay isa-isang naglaglagan ang grocery items tulad lang ng veggies, fruits, canned goods, softdrinks in can, hotdogs, pati na chocolates.

Literal na napanganga ako at pasigaw na tinawag ko si kuya para ibalita ang nakita ko.

"Kuya, come over here. Saan mo pinagkukuha itong mga to? Totoo ba ito? P-puno ng grocery items ang ref natin. Tingnan mo kuya dali," nakatunganga pa rin ako sa mga nagbagsakang grocery items sa paanan ko.

Nang tingnan ko ang ref sa huling pagkakataon ay punumpuno talaga ito ng iba't-ibang pagkain, na hindi ko naman lubos maisip kung bakit.

Malamang nagkamali ang nagdeliver ng address na pinagpadalhan. Ginalaw ba ni kuya ang pera sa cabinet ko at ipinamili? Pero hindi puwede kasi hindi kakasya iyon. Nagpadala sila nanay ng panggastos mula sa probinsya? Isa pang himala iyon.

Patakbo akong pinuntahan ni kuya. Itinuro ko ang salansan ng grocery items sa kanya.

"Kuya, bakit tayo may ganito? Don't tell me ibinenta mo ang tv? O kaya isinanla mo ang laptop ko? Bakit tayo maraming pagkain kuya? Nangutang ka sa kapitbahay natin, o sa bumbay kaya?" Kung hindi ko malalaman ang dahilan, malamang mag-aala detective na ako sa pag-iimbestiga.

Napakamot si kuya sa batok at parang inaalala kung saan nga galing ang bulto ng mga pagkain na nasa loob ng ref namin.

"Ang pagkakaalam ko, may nagdeliver niyan kanina dito. Isa raw tayo sa recepients ng libreng pa-grocery ng barangay. Ayun, tinanggap ko na. Should I say no sa ganyang bagay? Kaya nga nakapagluto ako kasi marami tayong groceries ngayon. Hoy, hindi ako mangungutang para lang may makain. Kaya ka nga nagtatrabaho para pakainin ako. Joke lang," with a doubt in my expression, hindi rin maiwasan ni kuya ang mapakunot ang noo kahit nakangiti siya. Lumapit siya sa akin at pinitik ang noo ko.

"Aray, kuya ano ba," hinimas ko ang noo ko. Nagtataka pa rin talaga kasi ako.

"Huwag ka na kasing magtaka. Normal naman na may nananalo o tsuma-tsamba sa ganyang uri ng pa-bonus ng barangay. Suwerte natin, Ella. Sige na, kunin mo na yang mga nalaglag na iyan at magpahinga ka na sa kuwarto. Maghahain na 'ko maya-maya para matikman mo na itong Afritada ko," bumalik na siya sa niluluto niya habang napatingin ulit ako sa ref.

He Sucks • COMPLETED ✔️Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora