23 🍂 blossoming affair

1.1K 30 10
                                    

(Peter)
•••

Pigil ang emosyon ko habang nakatitig sa babaeng nasa harapan ko ngayon. Madilim man ang loob ng apartment, hindi iyon dahilan upang hindi ko makita ng lubusan ang itsura niya.

Napangisi ako sa nakita ko. A school girl. Madaling takutin. She is dripping wet and from the way I see it, she seems cold.

I rolled my eyes thinking how school girls can be very alike. They all say the same thing when caught under a situaton like this. I sighed in frustration. Para akong halimaw na nakahanda nang sagpangin ang nasa harapan ko.

Inis na itinaboy ko siya. Bigla kong naramdaman na hindi na ako interesado pa sa tulad niya. Isang babaeng walang ibang inisip kung hindi ang sariling kaligtasan. Binasa ko ang nasa isip niya. It's one of my strengths. Reading people's minds.

I hate weak people. Hindi ako magkakaroon ng kasiyahan kahit patayin ko pa siya. Anyway, she doesn't look virgin to me. But I have to try.

Napansin kong hindi siya umalis sa kinatatayuan niya. She was really dripping wet. I rolled my eyes and sighed in frustration. Again. Sino kaya sa aming dalawa ang nauna sa lugar na ito?

Kung alam lang niya that she is invading a little bit privacy of mine. Bakit naman kaya niya naisipang pumunta sa lugar na ito?

Hindi ko maiwasang huwag magduda sa dahilan ng pagpunta niya sa apartment na ito. Kahit mukha siyang inosente at mukhang walang gagawing masama, hindi pa rin ako dapat maging kampante. Some girls tried to lure me before, I shouldn't trust her.

Napahawak ako sa sentido ko. Siguro nga hindi marunong makiramdam itong babaeng ito sa harapan ko.

After a few minutes of not talking to her and also not hearing her talk, I felt how cold she is because of the rain. Nagtataka ako kung bakit sa ganitong oras ay nasa labas pa siya ng kalsada at inabutan pa ng ulan.

Muli ko siyang tinanong tungkol sa sarili niya. Kung may mga magulang pa ba siya o kung anong uri siya ng estudyante. Pagkatapos kong marinig ang mga sagot niya, I must say I was not pleased.

I was terrified the least to say. Hindi ko alam kung nagsasabi siya ng totoo because humans tend to lie occasionally.

The only possible thing that I could do is to look straight to her eyes to read her. Mula roon, I can infiltrate her brain and read everything from there.

Madali namang gawin, the only thing that keeps me from doing it is the excitement of talking to her. I think there is something about her that's intriguingly cute and I want to explore it.

Desidido pa rin akong alamin kung mapapakinabangan ko siya o hindi, because once a vampire picks a female to sacrifice, it won't be revoked.

Hindi naman sa nanghihinayang ako sa buhay niya, hindi ko pa nga alam kung virgin pa siya at sinigurado ko na sa sarili ko na hindi na base sa itsura niyang mahina at mukhang madaling mauto.

"Can you show your face? Hindi kasi ako sanay na nakikipag-usap sa dilim eh. I promise I won't spray anything on you." Eager beaver.

Gusto niya akong makita. Nakasandal siya sa isang bahagi ng apartment habang nararamdaman ko na papatila na ang ulan. Sooner or later, I can make her leave the place.

"Hindi lahat ng kausap mo dapat tinitingnan mo sa mga mata," sinabi ko para mapigilan ko ang sarili kong mas lalo siyang usisain.

Magpapalipas na lang muna ako ng ilang araw, paniguradong marami pa naman akong makikitang babae na pwedeng ialay. I would spare her.

Huminga siya ng malalim. It's like she is now taking me seriously because I can feel her fear. I love fear, mostly when it comes to females.

Napapikit ako at hinawakan ng mahigpit ang leeg ko. I want to stop breathing for a while. I said I would spare her. Yes, I would pero dapat na siyang umalis.

He Sucks • COMPLETED ✔️Where stories live. Discover now