8 🍒 a vampire's kiss

2.9K 56 2
                                    

(Ella)
•••

"Hindi ko pa rin maintindihan. How could you be a v-vampire?" May halong disappointment at shock ang boses ko.

I've known him as a mysterious guy pero hindi ko inaasahan na isa siyang supernatural creature. Well, he has powers.

Does he have to explain himself to me? Hindi nga pala niya ako kaano-ano. Nakaupo kami parehas sa kama at nakatingin sa isa't-isa.

Siya, nakasalamin pa rin. Nawiwirduhan man ako sa pagsusuot niya ng salamin, hindi ko na rin tinanong kung bakit.

Mukhang sensitive siya pagdating sa usaping mata. Ilang beses niyang iniiwas sa akin ang mga mata niya. Ang natatandaan ko lang na itsura niya ay ang nasa panaginip ko. His bloody red eyes screamed terror.

"Peter? Magtitinginan na lang ba tayo hanggang sa lumubog ang araw at magutom ka? Tapos magkakatotoo ang napanaginipan ko na kinagat mo nga ako---" Hinawakan niya ang kamay ko.

"I can't tell you now. We had a deal, remember? Meet me at the apartment. I made a promise to show my world to you. Tutuparin ko iyon, Ella. Not here. Kaya lang, a day had passed. I should have dated you yesterday but you were asleep," his voice sends warmness on my body. Hinila ko ang kamay ko but he didn't let go.

"Sabi ni kuya Brandon halos isang buong araw akong tulog. Ibig sabihin hindi ako nakapasok kahapon. Lagot ako sa trabaho ko," tumayo ako upang kunin ang cellphone sa bag pero hindi talaga niya binitawan ang kamay ko.

Napabalikwas ako paupo sa kama.

"I handled everything. Wag ka nang mag-alala," seryoso niyang sabi.

Ibubuka ko sana ang bibig ko upang sumagot but his voice was dead serious. It's giving me a hint that I shouldn't ask for anything more. I changed the topic.

"Puwede bang magtanong? Bakit nandito ka? Ibig kong sabihin, paano mo nalaman ang tirahan ko?" Napakamot ako ng batok sa sinabi ko. "Ang tanga ko naman para magtanong kung paano mo nalaman kung saan ako nakatira. Panigurado you had your way. Forget that I even asked," I sighed softly. I saw his lips curved into a smile.

"I just had a feeling that you need me," napangiti ako sa narinig ko buhat sa kaniya. Hindi ko na kailangan ng cellphone para makausap siya. Siya na mismo ang lumalapit. Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko.

I'm beginning to grow a tree of curiousity in me kaya umusog ako ng bahagya papunta sa kanya. Hindi ko inaasahan na maiipit ang isang paa ko sa pagitan ng mga hita ko while I was trying to move, causing me to fall into his lap.

Oo, una mukha ko. Napasubsob ako sa kandungan ni Peter. Dali-dali akong bumangon at tiningnan agad ang reaksyon ng mukha niya. I know for a fact that my face has turned red but I can't help to see if his face did, too.

"What do you want me to react? Should I feel something? Do you want me to feel excited?" Tanong niya sa akin in a straight face.

Hindi ko man lang alam kung nagalit ba siya, nailang o natuwa because of that blank expression on his face. Inismiran ko siya.

"Sorry. Nagtataka lang kasi ako kung bakit mo nalaman na kailangan kita. Assuming ka rin, ah," hindi pa rin matanggal ang pamumula ng mukha ko.

Paano ba naman kasi, napasubsob ako sa pantalon niya malapit doon sa kuwan niya. Pigil ang ngiting tumingin ako sa kaniya kahit nag-iinit pa rin ang mga pisngi ko.

Sa pagkakataong ito, pinigilan ko din ang sarili kong mag-isip ng kung anu-ano. At mas pinipigilan ko ang sarili kong mapatingin sa ‘ano' niya. Mahirap na.

Basta kasi siya nanghihimasok sa isip ng may isip. Hindi na tama iyon. Lahat ng iniisip ko binabasa niya.

"Sorry not sorry. I can still read your mind. Ako lang ba ang laman niyan? Grabe, I am beginning to melt," hindi ko alam kung pabiro ang pagkakasabi niya pero naapektuhan ako. Hindi ko rin alam pero kinilig ako. Basta.

He Sucks • COMPLETED ✔️Where stories live. Discover now