29 🍒 finding him, finding powers

37 1 0
                                        

(Ella)
•••

Mahaba-haba na rin ang nilakad ko simula ng mapunta ako sa Void. Subalit hindi ko pa rin nakikita si Peter.

I'm certain that I have been into this place. The aura here speaks familiarity. I just can't put my finger on it. Tumigil ako sa paglakad at huminto. Ang pisikal na pagod na nararamdaman ko ay totoo. Hindi biro ang mapunta sa Void.

My whole face lit up when I saw fireflies gathered around and danced around me. Ngunit ang lahat ay napalitan ng pagtataka ng marinig ko na may ibinubulong sila.

"Love is wonderful," bulong ko.

Gusto kong kilabutan ng marinig ko na ibinulong nila sa akin ang mga kataga na kasasabi ko lamang.

Hinawi ko ang mga alitaptap at muling naglakad. Pilit kong inaapuhap sa isip ko kung ano pa ang mga susunod na mangyayari.

Napahinto akong bigla ng may sumaglit na imahe sa balintataw ko. Mahaba ang buhok. Tila isang mandirigma ang ayos at gilas. Inukilkil kong mabuti kung ano ang itsura niya, pero parang may pumipigil sa aking mag-isip ng may kalaliman.

Habol ang hiningang idinilat ko ang mga mata ko. Someone's trying to block my memory. Hindi ko hahayaan na wala akong maalala.

Itinaas ko ang bracelet ko at umusal ng dasal. Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga sinasabi ko pero tila may sariling buhay ang aking bibig at patuloy itong bumubulong sa ngayon.

Naramdaman ko ang lalong paglakas ng hangin. Marahas na nitong hinahawi ang katawan ko. Kung hindi lang talaga matatag ang isipan ko, malamang ay kanina pa ako tinangay ng hangin.

I continue saying the chant. Naramdaman ko na umilaw muli ang bracelet. "Ipakita mo ang iyong kapangyarihan. Tinatawag kita, ipakita sa akin ang mukha ng nilalang na nasa aking balintataw. Mahiwagang bato galing sa mundo ng mga salamangkero, tulungan mo ako. Ngayon na," isinigaw kong mabuti.

My eyes grew larger as the lights emitted from the bracelet grew brighter. Pinalibutan ako nito. Napapikit ako sa liwanag na taglay ng pulseras.

Muling nagpakita sa akin ang babae sa balintataw ko. Sa pagkakataong ito ay mag-isa lamang siya.

"Nakakatuwang malapit mo nang makontrol ang iyong kapangyarihan, Ella," banayad ang pagkakabigkas niya ng pangalan ko.

Hindi ko maibukas ang bibig ko. Idinikit niyang muli ang hinlalaki niya sa noo ko. I gasped after not feeling too much pain at all. Mukhang totoo nga ang sinasabi niya.

I'm beginning to be in control of my power. Kunot-noong tila wala akong nakikita sa paligid ko. Nakapikit ako pero malabo ang lahat.

Sinubukan kong ibuhos ang lahat ng konsentrasyon ko. Natatandaan ko ang paalala ng mga babae sa akin. Dapat mas talasan ko pa ang aking pakiramdam kapag nakapikit ako, dahil dun mas lilinaw ang paligid.

I shut down outside noise. Tama nga, unti-unti ngang lumilinaw ang lahat. Nakikita ko na rin ang nilalang na may mahabang buhok na nakasuot ng damit mandirigma.

Napangiti ako. Siya ang lalaking nakasalamuha ko na noon sa panaginip ko. Iaa siyang sorcerer. Unti-unti na akong dumilat.

Unti-unti rin siyang humarap. "You found me, baby girl," mapanukso niyang sabi. "Mukhang nalaman mo na ang tungkol sa kapangyarihan mo. Maganda ang magiging laban natin. Nasasabik ako," aniya habang nakahawak sa kapa niya na kulay abo.

Nililipad naman ng hangin ang mahaba at kulay ginto niyang buhok. Hindi ko masyadong makita ang kanyang mukha dahil na rin sa hangin.

Sa pagkakataong ito ay walang lugar sa puso ko ang takot. All I feel is utter desperation. I want to get this over with, and get him out of my way from saving Peter.

He Sucks • COMPLETED ✔️Where stories live. Discover now