Endgame 🍒

113 0 0
                                        

(Ella)
...

Erios fell into the ground. Blood is all over him. Nanlalaki ang mga matang paulit-ulit kong isinisigaw ang pangalan niya.

Hindi ko na alam kung paano ako nakawala mula sa pagkakabihag ni Riva subalit ang alam ko lang sa pagkakataon ito ay kailangan ako ni Erios.

Tila bumabagal ang oras habang tumatakbo ako papunta sa kinaroroonan niya. Erios' state of being is getting worse. Nakatingin siya sa akin at tila naghahabol ng hininga. Umaagos na rin ang dugo sa kanyang bibig.

Nang marating ko siya ay agad ko siyang niyakap.

"Erios, you can still heal yourself, right? Please do it now. Please, huwag kang sumuko, Erios. Malakas ka, hindi ba?" Kahit nanginginig ay pilit kong pinalalakas ang loob ko para ipakita kay Erios na naniniwala ako sa kanya, na mananatili akong malakas para sa kanya.

Nagpakawala si Erios ng isang ngiti. Halata sa ngiting iyon ang sakit na pinagdaraanan niya ngayon. My tears continue to pour for him.

"E-Ella, s-sorry. Hindi ko... hindi ko na k-kayang ipag...tanggol ka," he said as pain is eating him away.

Paulit-ulit akong umiling habang hinahaplos ang pisngi niya. Humihikbing niyakap ko siya.

"Erios! Please pagalingin mo ang sarili mo. Hihintayin kita. Sabay tayong lalaban kay Riva. Erios!" Habang nakayakap sa kanya ay umaasa pa rin ako na anumang oras ay babangon si Erios at nakangiting sasabihin sa akin na nagbibiro lamang siya.

I cried, and I waited for it to happen, but it didn't. Ilang sandali pa ang lumipas. Hindi ko na nararamdaman ang paggalaw ni Erios.

Ang kaninang paghikbi ko ay naging palahaw na. I lost Erios. He already left me. Sinubukan kong yugyugin ang katawan niya subalit hindi na siya gumagalaw.

Itinapat ko ang tenga ko sa bandang dibdib niya upang pakinggan ang tibok ng puso niya. I heard nothing but my own sobs. Mariin akong pumikit at nanatiling nakahilig kay Erios.

Everything that we've been through as friends flashed back in my mind. Saglit lamang kaming nagkasama pero sa sandaling panahon ay napalapit na siya sa akin.

I even wanted him as my brother.

I repeatedly called his name. Hindi man lang siya nakapagpaalam ng maayos. It's Riva's fault. Her nonsense revenge has put an end to Erios' life.

I loathe her. Hilam ang luha sa mga mata na hinarap ko siya. She was standing a few meters away from us, and smiling like the villain that she is.

"Teka, prinsesa Milena, bakit ganyan ka naman tumingin? Sinisisi mo ba ako sa pagkawala ng gabay mo? Hindi naman ako ang sumaksak sa puso niya, kung hindi ang kanyang ina." the way she speaks, she is mocking Erios.

Alam kong wala na akong kapangyarihan pero lalabanan ko siya. Bahala na. Tumayo akong buo ang desisyon na labanan siya.

"Hindi totoong wala na si Erios. He is stronger than you think he is. Hindi siya basta mawawala dahil lang sa ginawa mo," I glared at her.

"Maybe you are right. But he is struck at the heart. No one ever survives that," ngumisi si Riva bago nagpatuloy. "And don't worry princess Milena, you're next," saad niya.

Her words triggered the last ounce of patience in me. I was about to attack her when I suddenly couldn't move. Si Riva na naman ang may pakana nito?

Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Riva, habang ang mga mata niya ay nakatingin sa bandang likuran ko. My heartbeat becomes unsteady. Tila kilala na ng puso ko ang nilalang na nasa likuran ko.

He Sucks • COMPLETED ✔️Donde viven las historias. Descúbrelo ahora