(Ella)
•••
Being near him entails a lot of chances and a lot of possibilities. My heart is beating rapidly at the thought of the guy in front of me. Getting approximately close to him at the moment makes me want to lose my sanity as well.
It felt like I was touching his chest, kahit na nasa loob pa ito ng suot niyang uniform ay dama ko ang katigasan. I briskly removed my hands out of his chest ng bigla akong matauhan.
Pakiramdam ko, napapaso ako sa init na dulot ng pagkakadikit naming dalawa, hindi ko naman dapat ito maramdaman.
"Just don't do anything stupid that I might not like. And do not fantasize about me too much. It's not good for you," muntik na akong masamid sa mga sinabi niya.
Ang galing talaga, lahat ng nasa isip ko nalalaman niya. Sinimangutan ko lang siya at sabay tumalikod sa kanya sa sobrang inis.
"Ella? Ella Kaye Anderson? I'm so glad to see you," ayokong tingnan ang tumatawag sa akin but I was forced to, dahil sa pagkaasar na nararamdaman ko sa kaharap ko.
I frowned when I saw the person who called my name. He looks quite familiar. Parang nagkaharap na kami.
Lumapit siya sakin upang yakapin ako gamit ang isang kamay pero naitulak ko siya ng bahagya. That's when I fully saw his face. Kilala ko ang lalaking ito, si Jackson, ang student librarian ng campus.
Yumukod si Jackson upang pulutin ang mga nalaglag na libro pagkatapos ay lumingon naman ako sa likuran ko upang kausapin ang lalaking ilang gabi nang hindi nagpapatulog sa akin. Malamang nagagalit na siya sa akin dahil binigay ko na ang atensiyon ko kay Jackson.
Wala na siya sa likuran ko. Pinakiramdaman ko ang paligid, I can't sense him. Hindi na ako nakakaramdam ng mabigat na aura.
I rolled my eyes and sighed frustratingly. Palagi na lang nawawala, bakit pa naimbento ang salitang paalam kung hindi naman niya ginagamit?
"Hi nga pala sayo, Ella," sabi ni Jackson habang nasa gilid kami ng gate papalabas ng school building.
Tinapunan ko siya ng kaswal na tingin at ngumiti. Hindi ko alam kung paano ako magsisimulang makipag-usap sa kanya dahil na rin sa inasal ko.
"Hi, din. Pasensiya na at naitulak kita. Hindi kita nakilala. Ang dami naman niyan," ininguso ko ang dala-dala niyang libro pagkatapos ay ngumiti ako sa kanya.
"Dadalhin ko ang mga ito sa library. Newest editions of the different school books. Late kasi ang delivery kaya hapon ko na rin nadala dito," inayos niya ang mga librong dala niya at inilapag sa desk sa tabi niya.
Hindi na ako sumagot sa sinabi niya. I don't feel like talking to anybody right now, although Jackson is cute. He looks like Joseph Marco, the geeky version. Hihintayin ko na lang siyang umalis, tutal sa library siya pupunta.
Hindi gumalaw si Jackson sa kinatatayuan niya, at tila hinihintay akong magsalita
I sighed.
"Do you work here till night?" Nakatayo pa rin kami sa gilid ng gate ng building while I'm waiting for Loly, when I've decided to asked him a question.
"Actually, I ah, I transferred," napangiti siya. Napakunot naman ang noo ko sa narinig buhat sa kanya. Am I hearing him right?
"Transferred saan? School? Schedule? Ang bilis naman yata," nagtataka kong tanong.
"Schedule. Nagpalit ako ng shift. I chose to study at night, just like you," nanlaki naman ang mga mata ko ngayon.
"Sorry to intrude to your personal life pero ang ganda na ng schedule mo, ah. Ang gaan," sa pagkakataong ito ay nakita ko na si Loly na paparating.
YOU ARE READING
He Sucks • COMPLETED ✔️
VampireOne night of outright braveness, that's what it took her to be involved in this vampire's chaos. Is her life not chaotic enough? ••• Ella shouldn't have met him, shouldn't have talked to him and shouldn't have left her heart unguarded. Now she's in...
