Chapter 48: Questions

16.4K 138 1
                                    

A/N: Devon>>>>>>

Devon's POV

Hindi muna ako iniuwi ni Mart. Nagpunta muna kami sa coffee shop habang hinayaan ako maglabas ng sama ng loob. Ilang oras din bago ako mapagod kakaiyak. Bago kami maghiwalay, nasagot na ang lahat ng tanong na kanina pa bumabagabag sa kanya..

Nang matapos ay hinatid na ako ni Mart sa condo ko. Hindi kami nag- iimikan sa sasakyan. Nirespeto nya ang pananahimik ko. Naramdaman nya siguro na yun ang kailangan ko ng mga panahon na to..

"Are you sure you're gonna be okay?.." Nananantyang tanong ni Mart ng nasa tapat na kami ng building ko.

"Yeah. Drive safely.." Pamamaalam ko sa kanya sabay baba ng sasakyan.

"Can I come back tomorrow?.." Pahabol na tanong pa nito.

"Of course." Pilit na ngiti ang sinukli ko sa kanya.

Nagmumuni muni ako habang nasa elevator. I can't believe I just did that to Naomi. Kahit kailan hindi ako naging marahas na tao. Pero yung nangyari kanina?.. So not me..

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin sa elevator. Sino nga ba ko?.. Di ko na din yata maalala.. Hindi naman ako ganito dati.. Bakit ba ang sarili ko ang sinisira at pinaparusahan ko..

My Vengeful Husband (COMPLETED)Where stories live. Discover now