Chapter 44: Heartache

15.4K 127 6
                                    

A/N: Nathan>>>>>>

Devon's POV

Tulala pa din ako pagpasok ko ng condo. Nagpunta ko sa kitchen at dumampot na lang ng kahit anong prutas na nasa table. Kailangan ko kumain. Ayoko madamay ang baby ko sa kalungkutan ko. Tapos ay naupo ako sa couch sa sala. Pilit kong nilulunok ang bawat isubo ko.

Binuksan ko ang stereo para kumalma ang kalooban ko. Kailangan ko ng mellow music.. Katatapos lang ng naunang kanta. Pumikit ako para hintayin ang kasunod.

Pero.. Bumukas ang pinto at napadilat ako. Si Nathan.. Di ko akalain na magpupunta pa sya dito ngayon pagkatapos ng nangyari kanina. Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad sya palapit sakin.

Naiiyak na naman ako.. Bakit ba di ko makuhang magalit sayo Nathan..

"Alena.." Panimula nito habang kumukuha ng upuan katapat ko.

"......................"

"We need to talk.." Parang hirap na hirap magsalita si Nathan dahil napapaos na sya.

"Sabi mo nasa Thailand ka.." Parang bulong na lang ang pagkakasabi ko nun..

My Vengeful Husband (COMPLETED)Where stories live. Discover now