Chapter 46: Devastated

16.5K 149 10
                                    

A/N: Nathan>>>>>>

Devon's POV

Kinabukasan, maaga akong gumising para gumayak. Nasa office si Nathan dahil weekday ngayon. Hindi ko alam kung ano magiging reaksyon nya pero kailangan nyang malaman.

Sinuri kong mabuti ang sarili ko sa salamin. Gusto ko maging maganda sa paningin ni Nathan. Hindi pa naman halata ang tyan ko kaya kasya pa ang mga dati kong damit.

Kinakabahan ako aminado ako. Pero para sa baby ko to.. Pinaglalaban ko lang ang karapatan namin sa daddy nya. Kailangan kong kumilos para mabuo ulit ang pamilya namin.

Kilala naman na ako ng receptionist kaya di na ko nagtagal sa baba. Bumati lang ako sa kanya matapos ay nagpunta na sa elevator para pumanik sa top floor.

Pagdating ko.. Isang malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan ko.

Kaya ko to..

Tok! Tok!

Ilang sandali lang bumukas na ang pinto. Gulat na mukha ni Nathan ang bumungad sakin.

My Vengeful Husband (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum