Chapter 71: Signs

15.9K 117 7
                                    

A/N: Church>>>>>>>>

Devon's POV

Hindi nga traffic pero may nag- aaklas naman sa harapan namin. Napatapik ako sa noo ko. Kung kelan naman kami na ang susunod na aandar, tsaka naman nasakto samin tong grupong to. Kailangan ba talaga namin silang mapanuod??

"Manong, matagal pa kaya yan??.. Ano bang ipinaglalaban nila?.." Tanong ko sa driver.

"Mga ten minutes to ma'am, parang re- enactment kasi to ng mga opisyal na nanghaharass ng publiko, mga ganun ang tema nila." Paliwanag ng driver sakin.

Grabe lungs! Kailangan may ganun talaga? I wonder kung san nila hinuhugot ang lakas nila, sa init ng sikat ng araw, kung ako ang isa dun, nahimatay na ko panigurado.

Makalipas ang ilang sandali ay natapos din ang "palabas".

Pinagmadali ko na lang ang driver. I arrived at the airport at exactly four in the afternoon. Shoot! 4:30 ang flight ko! Malapit na ko ma- late! Hangos na tumakbo ako papunta sa check in baggage at di naman ako nagtagal dahil mangilan ngilan na lang ang tao dun.

Pagkatapos madaling naglakad naman ako para makapasok sa waiting area, dali dali kong hinubad ang body bag ko tsaka nilagay sa tray para dumaan sa x- ray scanner. Papasok na sana ako ng pigilan ako ng guard, "Ma'am pati yung shoes po.." Magalang na sabi nito.

Ano ba yan nakalimutan ko pa!.. Agad akong bumalik at hinubad ang shoes ko tapos ay nilagay ulit sa tray tsaka madaling sinuot ulit. Pero paglampas ko sa dinadaanan ay tumunog iyon. Grabe naman! Kung kelan nagmamadali!..

My Vengeful Husband (COMPLETED)Where stories live. Discover now