Chapter 69: One night

16.7K 154 12
                                    

A/N: Hindi po talaga ako naglalagay ng ganito pero since malapit ko na tapusin to, i want to thank everyone who supported MVH. Much appreciated po. Kahit halos karamihan sa inyo eh mga silent readers lol. Another UD I did while on my way home. Request lang ng friend ko na pagkaaga agang nagtext dahil bitin daw ang update ko kahapon! Lels. At dahil birthday nya ngayon ito na lang daw ang birthday gift ko. >.<

O eto na ha! Happy Birthday G! :) Love yah :*


Music on the right>>>>>>






Devon's POV

Halos di ko na maalala kung paano kami nakarating ni Nathan sa condo nya. Di ko din maintindihan bakit di ako tumututol. Para kong dahon na malayang nagpapadala lang sa agos..

Kanina sa sasakyan, I stopped him kasi alam ko na kung saan kami hahantong. Nagkatinginan lang kami pero nagkaintindihan na kami agad. Walang kibo na nagpatuloy sa pag- drive si Nathan. Ako din naman ay nanatiling hindi umiimik.

When we reached his place, parang walang anumang nagtuloy tuloy lang ako papasok sa loob. Na para bang dun pa din ako nakatira. Na para bang akin pa din sya. Nang ganap kaming makapasok ay mabilis akong hinablot ni Nathan.

Pero mabilis din akong umiwas. Naglakad lakad ako at sinuyod ng tingin ang paligid. Walang pinagbago. Mula ng umalis ako ganito pa din ang ayos. Sa gilid ng mata ko alam kong nagmamasid lang sakin si Nathan.

Nagulat na lang ako ng may biglang tumugtog. Napatingin ako sa speaker at pumailanglang ang isang kanta. Kumunot ang noo ko at tiningnan si Nathan. Hawak nya ang remote and he was half smiling.

May pa- sounds pa to.

My Vengeful Husband (COMPLETED)Where stories live. Discover now