Chapter 66: Courtship

14.1K 110 6
                                    

A/N: Nathan>>>>>>>>

Devon's POV

"S bilisan mo naman maglakad! Dun tayo sa sulok dalian mo!.." Nagmamadaling haltak ko kay Serena.

"Bakit ba? Kanina ka pa kulang na lang mag- disguise ka ah! Laki laki ng salamin mo tapos nakapa- scarf ka pa sa ulo! Sino ba tinataguan mo??.."

Nagpalinga linga muna ako tsaka umupo sa bandang sulok ng coffee shop, sa mall sana kami pupunta kasi naisip ko madali ako mahahanap ni Nathan.

"Si Nate kasi." Nakabusangot na sabi ko sabay tanggal ng shades ko. "Kulang na lang talaga mag- disguise ako!.. Kahit nasan ako nalalaman nya, bigla na lang andun na din sya! Nakakairita lang!. Grabe mag- iisang buwan na nya ko ginaganito!.."

"Hmmmm..." Sabi lang ni Serena. "Paano yun ihohost kong party mamaya?.. Don't tell me di ka pupunta dahil lang sa andun si Nathan?.."

Na- delay kasi ang party na sinasabi ni S. Dapat three weeks ago pa yun pero last minute nagkaroon ng emergency flight si Vienne regarding work. Kaya ayun.

Tiningnan ko muna sya ng pailalim bago ako sumagot,"Ehh. Pwede ba di ako punta?.."

My Vengeful Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon