Chapter 62: Me, Myself and I

13.3K 107 1
                                    

A/N: Nathan>>>>>>>>

Devon's POV

11:00 pm

Nakabalik na ko ng condo. Ang lungkot lang dahil parang may kulang. Umalis na si Mart. Pakiramdam ko nag- iisa talaga ako..

Hapong napasalampak ako sa couch at pumikit. Ito ang pinaka ayaw kong pakiramdam. Yung ganito na nag- iisa. Napabuntong hininga ako. Kailangan ko ng umpisahang matuto..

Patamad na pumasok ako ng kwarto ko. Kahit na sobrang lungkot ko nakatulog din ako agad. Marahil dahil sa pagod din ang katawan ko sa byahe at paglilibot ng mga nakaraang araw. Tapos pagod din mata ko kakaiyak..

Kinabukasan..

Nag- iisip ako saan ako pupunta. Parang ang lungkot ng nag- iisa sa condo ko. Nung una sanay naman ako.. Pero ngayon.. Hay.

Gustuhin ko man umuwi, wala naman akong aabutan dun. Wala sila mama nasa Rome.. Si Mommy Ely naman nakakahiyaan ko na dalawin kasi after nung pangyayari sa hospital di ko na sila kinausap.

Para bang.. May nag- automatic shut down sa pagkatao ko nun. Tapos ngayon lang ulit ako nakakabawi at nakakapag- isip ng matino.. Isa pa.. Baka andun si Nathan. Matagal tagal ko na din sya di nakikita.

After ng wedding ni Serena, wala na.. Di na nya ko kinulit. Di na din sya nagpakita. Well, mabuti na din siguro yun. Para unti unti masanay ako na ako lang mabuhay mag- isa. Masyado ko nagiging dependent sa mga tao sa paligid ko. Di naman na ko bata.

My Vengeful Husband (COMPLETED)Where stories live. Discover now