Chapter 70: Apologies

16.7K 129 8
                                    

A/N: Devon>>>>>>>>

Devon's POV

After a month...

Three hours na lang aalis na ko.. I booked a flight to New York. Walang nakakaalam parents ko lang. I needed time to think. Kailangan kong makalayo. Tsaka ko na explain kay Serena pag- uwi ko kung bakit di ko na nakuha magpaalam. I hate goodbyes. Lalo pa at di ko alam kailan ako babalik.. O kung.. Babalik pa nga ba ko..

After that night at Serena's party.. Hindi na kami nagkita ulit ni Nathan. I told him to stay away from me. I saw the pain in his eyes when I said that.. Pero gulong gulo na ang isip ko.

I stayed at my parents' house after that. Para di na nya ko magulo sa condo ko. Sometimes he'll visit me pero di ako bumababa. Pati cellphone ko hindi ko binubuksan. Minsan makikita ko sya mula sa bintana ng kwarto ko na naka- park lang sa labas at parang hinihintay na sumilip man lang ako..

Nahihirapan din naman ako pero mas mabuti na yun. Mahal ko sya. Oo inaamin ko na yun. Siguro nga sya ang nag- iisang lalakeng mamahalin ko habang buhay. Pero ayoko na masaktan. Pagod na pagod na ang puso ko.

At ngayon.. Natagpuan ko ang sarili kong nasa simbahan at tahimik na umuusal ng panalangin sa Diyos. Sa ganitong pagkakataon ko kailangan ng gabay mula sa kanya.

Lord, sa dinami dami ng nangyari sa buhay ko, di ko na alam kung paano pa mag- umpisa ulit. Nandito po ako ngayon sa harapan nyo para humingi ng gabay sa dapat at hindi dapat mangyari.. Please give me a sign lord. Dapat pa ba?.. Dapat ko pa bang patuloy na mahalin si Nathan?.. Natatakot na akong masaktan. Parang di na kakayanin ng puso ko kung may mangyayari ulit na hindi maganda.. Please tulungan nyo po ako na maliwanagan ang isip ko. Hindi ko po ito kayang mag- isa..

Matapos ang taimtim na panalangin ay pinunasan ko ang pumatak na luha sa mga mata ko at tumayo para pumunta sa tulusan ng kandila.

Ito ang simbahan ng bigyan ako ng singsing ni Nathan. Ito din ang simbahan na may panata si Mart. Simula ng nawala ang baby ko di ko na alam gaano ako katagal na hindi tumapak dito..

My Vengeful Husband (COMPLETED)Where stories live. Discover now