Chapter 24: Request

15.1K 136 6
                                    

A/N: Nathan>>>>>>>>>>>

Devon's POV

Alas tres na. Nagdadalawang isip ako kung maliligo na ko. Nakaupo lang ako sa folding chair habang pinapanuod sila mama at Mommy Ely na kasalukuyang tinutulungang mag-ihaw ang kasambahay. Sila papa naman nag- iinuman sa cottage. Kasama nila dun si Nathan.

Hay. Mula kanina di na nya ko pinansin. Nakita ko lang na pasulyap sulyap sya sakin. Bakit kaya naiinis na naman sya.. Naalala ko tuloy huling pag- uusap namin.

"What happened to us Alena?.."







Ano nga bang pwede kong isagot sa tanong na yun? Ano nga bang nangyari samin.. Sobra kaming nagmamahalan nuon tapos ngayon..

"You promised. You promised you'll never leave me.. But.. You did.."







Gustong gusto ko yakapin si Nathan habang sinasabi nya yun.. Hindi ko alam paano ko aalisin yun sakit na naramdaman nya.. Talagang di pa nya nakakalimutan yun nangyari. Napabuntong hininga ako.

Pasimpleng tiningnan ko ulit kung ano na ginagawa ni Nathan sa cottage. Pero wala na sya dun. San na napunta yun?? Tatayo na sana ako para hanapin sya ng may biglang magsalita sa likuran ko.

"A penny for your thoughts?.."- Nathan

My Vengeful Husband (COMPLETED)Where stories live. Discover now