Chapter 10: Flashback 1 (Engagement)

15.8K 130 2
                                    

A/N: Devon >>>>>>>>>>

Naomi's POV

I don't believe this. Tagal ko pinaghirapan sa kanya pa din pala babagsak. Damn! Si Nathan naman di man lang pumalag! Hah! Magsaya ka na ngayon Devon.. Dahil hanggang ngayon lang yan. Ang scenario ngayon ako ang inapi at nawalan. Di muna ko magpaparamdam kay Nathan.. Dahil alam ko na babalik at babalik din siya sakin.. Kailangan ko pa sya. Hindi ang isang katulad lang ni Devon ang sisira sa mga plano ko.

 

Engagement Party. 6:00 pm. Perez' Residence

Devon's POV

Nasa guest room ako ng mansion nila Nathan. Kanina ko pa tinitingnan ang sarili ko sa full length mirror. Napakaganda ng suot ko pero ni hindi man lang umabot sa mga mata ko ang saya na hinahangad ko.. I am wearing a long tube pink- peach satin gown. Korteng puso ang cut nito sa dibdib. Nakaangat ang buhok ko at nakapusod sa gilid.

Tama ba ang mangyayari Devon? Ito ba talaga ang gusto mo? Hayy. Kinakausap ko na naman ang sarili ko.. Kailangan ko tong panindigan.Gagawin ko lahat.. Magiging uliran akong asawa. Siguro naman kapag kasal na kami ni Nathan, matututunan nya ko mahalin ulit.. Sana..

"Devon iha tara na sa baba hinihintay ka na ng mga bisita.." Nakangiting bungad ni Mommy Ely. "Napakaganda mo anak! Tiyak na luluwa mata ni Nathaniel pag nakita ka!"




My Vengeful Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon