Chapter 67: Good times.. Almost

13.9K 101 10
                                    

A/N: Serena>>>>>>>>

Devon's POV

On the way na kami kila Serena. Sa totoo lang di ko alam kung ano dapat kong isuot, ang sabi ni S, simpleng gathering lang naman daw yun with their closest friends and relatives. Si Nathan naka- jeans lang tsaka naka- button down na polo. Kaya pinili ko na lang na mag- dress.

Tutal dun naman ako komportable. Tsaka para mabilis na din at ayoko ng may naghihintay sakin habang gumagayak ako. Sa malamang lang na mula kanina di na umalis si Nathan sa tabi ko. Di daw sya aalis dahil sigurado syang magtataxi ako papunta kila Serena.

Ayoko na lang din makipagtalo kaya hinayaan ko na. Wala kaming imikan sa sasakyan. Mula din kanina hindi ko sya tinitingnan. Baka sabihin na naman gwapong gwapo ko sa kanya. Quotang quota na ko sa inis ngayong buwan na to at di ko na hahayaang maasar na naman ako ng presensya nya.

Pagdating kila Serena ay aktong pagbubuksan pa ako ni Nathan ng pintuan ng kotse nya. Pero naunahan ko sya, nauna na kong bumaba at naglakad mag- isa. Napakislot na lang ako ng maramdaman kong inalalayan nya ako sa siko. Pipiksi pa lang ako pero sakto namang salubong samin nila S at Vienne.

"Beszy!.. Nathan!.." Bulalas ni S na animo di expected ang pagdating namin. Nagkamayan naman si Vienne at Nathan. May iba kay Serena ngayon pero di ko masyado matukoy. "Let's eat!.." Aya samin nito tsaka kami niyakag na dalawa sa buffet table.

Habang nakapila kami ay abot naman ang lagay ng food ni Nathan sa plate ko. Hindi ako makaalma dahil may mga nakaharap. Binulungan ko na lang sya ng pasimple, "Kung gutom ka, sa plate mo itambak lahat ng pagkain wag sakin okay??.."

Tumingin lang sakin si Nathan bago ngumiti at nagsalita, "I love you too." Sabay pisil sa pisngi ko.

>.<

My Vengeful Husband (COMPLETED)Where stories live. Discover now