Chapter 56: Songs

14.1K 115 3
                                    

A/N: Karaoke room>>>>>>

Devon's POV

Kinabukasan after ng pre- wedding party nila Serena, sinundo ako ni Mart as usual. Nagpasama lang kasi may titingnan daw syang hotel.

Tahimik lang ako habang nasa daan kami. Para kasi akong naiilang dahil sa kiss kagabi. Ako lang naman ang ganito dahil mukha naman normal si Mart. Makwento pa din sya. Tango at ngiti lang ang halos naisasagot ko sa kanya.

Nang biglang napamura si Mart. "Sh*t!!..."

Napatili ako ng gumewang ang sasakyan. Buti wala kami kasalubong. Pumutok yun isang gulong ni Mart, may nadaanan yata kaming pako.

"Are you okay?.." Tanong agad sakin ni Mart ng huminto kami sa gilid. Tumango lang ako. "Ikaw okay ka lang ba?.." Balik tanong ko.

"Yup. Teka check ko lang yun gulong." Tsaka bumaba.

Bumaba na din ako. "May dala ka ba spare tire?.." Butas kasi ang gulong at tama nga may pako pa din kasing nakabaon dito.

"Meron." Umikot ito sa likod at kinuha ang spare tire nya tsaka yun mga tools.

My Vengeful Husband (COMPLETED)Where stories live. Discover now