Chapter 30: Fed up

15.9K 126 3
                                    

A/N: Nathan topless>>>>>>> ^______^

Devon's POV

Hindi ko na alam paano ko nakaalis sa building na pinanggalingan ko. Mabuti may dala kong shades, hindi napansin ng mga nakasalubong ko ang itsura ko.

Habang nagda- drive, patuloy pa din ako sa pag- iyak.. Gaano katagal na ba ko niloloko ni Nathan?.. Pero.. Alam ko naman eh. Alam ko naman na nagkikita pa din sila. Ayoko lang magsalita kasi ayoko pagmulan ng away.. Iba pa din pala yun alam sa aktwal na nakita. Ang sakit sakit sakit lang..

Palagi kaya si Naomi sa office nya?.. Kaya ba di na sya halos umuuwi dahil dun sila palagi nagkikita?..

Muling bumalik sa alaala ko ang scenariong nakita ko kanina. Kung paano halikan ni Nathan si Naomi.. Sobrang sakit lang.. Mas masakit pa kesa nun nahuli ko sila sa hotel.. Dahil wala naman ako nakita dun, magkasama lang sila..

Pero ngayon iba.. Parang puputok ang dibdib ko sa sakit.. Hindi ako makahinga.. Literal yata na heart broken ako.. Dahil nararamdaman ko na unti unti nadudurog ang puso ko..

Masakit na lalamunan ko kakaiyak. Nanlalabo na din ang paningin ko.. Ni hindi man lang ako sinundan ni Nathan.. Tiningnan ko ang kamay ko na nasugatan kanina. Totoong hindi ko naramdaman ang sakit.. Dahil mas masakit yun naabutan kong tagpo kanina..

Saan ba ko pupunta ngayon. Dapat pa ba ko umuwi sa condo? Parang di ko na alam ano pinaglalaban ko..

My Vengeful Husband (COMPLETED)Where stories live. Discover now