Chapter 17: Weighing feelings

15.9K 97 3
                                    

A/N: Serena kulit >>>>>

Devon's POV

Ano ba tong nangyayari. Posible ba talaga? Mahal na mahal ko si Nathan. Pero bakit parang nafo- fall na din ako kay Mart. Complete opposites sila. Si Nathan ako lang ang minahal mula nuon. Si Mart kilalang nagpapaiyak lang ng babae. Hindi nagseseryoso.. Pero bakit nun kausap ko sya at sinasabi nyang mahal nya ko, parang gusto ko maniwala..

Flashback >>>>>

Pauwi na kami galing Baguio. Sinabi ni Mart na tutal naman last day na sa kanya na kami sumabay. Binabagtas namin ang kahabaan ng kennon road ngayon. Si Mart ang nagda- drive. Si Serena nasa likod natutulog. Napagod sa last minute shopping na ginawa namin kanina. Tahimik lang kami ni Mart. Parehong malalim ang iniisip. Parehong nagpapakiramdaman lang.

"Thart.." Sabi ni Mart na di tumitingin sakin.

"Please don't call me that, may boyfriend na ak.."





"Alam ko naman yun Alena, palagi mo kayang sinasabi sakin.. Haha.." Mahina nyang tawa. "Gusto ko lang malaman mo na ito ang pinakamasayang limang araw ng buhay ko. Hindi ko akalain na ganito pala ang pakiramdam kapag nagmamahal ka. Hindi na nagma- matter yun pansariling kaligayahan lang. Ang mahalaga masaya yung taong mahal mo.. Kahit di ka parte nung kasayahang yun.."





"Mart.." Ewan ko pero para kong nalulungkot na nasasaktan ko sya. 

My Vengeful Husband (COMPLETED)Where stories live. Discover now