Chapter Seven: Forgotten

79K 1.9K 111
                                    

A/N: My late pa-birthday update... enjoy reading!


Chapter Seven: Forgotten


MARK

Noong una ay nag-enjoy naman ako na kausap si Monica. Ngunit habang tumatagal ay nag-iiba ang behavior niya. Marami na rin siyang naiinom at hindi ko na siya mapigilan.

"Hayup siya! Pagkatapos kong ibigay sa kanya ang lahat, ipagpapalit niya lang ako sa isang matrona! How dare him!" She keeps on talking about her ex-boyfriend sa panlolokong ginawa nito sa kanya. Wala naman akong choice kundi pakinggan ang mga sentimyento niya.

"You have to move on. Hindi mo kailangan magpakatanga sa kanya."

"Ang sakit mo naman magsalita! Bakit, close ba tayo?"

"I-I just thought that you need a friendly advice."

Bigla na lamang nag-iiyak ang dalaga. Dahil doon ay naagaw niya ang atensyon ng lahat na naroon. At bago pa siya tuluyan gumawa ng eksena ay sapilitan ko siyang hinila palabas ng bar.

Sa sobrang kalasingan ni Monica ay napilitan akong i-check-in siya sa isang hotel. Hindi kasi niya masabi sa akin ng matino kung saan siya nakatira.

"Lover boy, dito ka lang. Tabi tayo matulog." Bigla na lamang niya akong hinila sa kama. Na-out of balance ako at bumagsak sa ibabaw niya.

Pinilit kong makawala. Mare-rape ako kung hindi ako aalis agad.

"Come back here, lover boy! Huwag mo akong iwanan!"

Nagtaas-baba ang dibdib ko nang maisara ang pinto. Muntikan na ako roon. Malalagot talaga sa akin ang mga kaibigan sa oras na makita ko sila. Sablay na naman sila sa pagse-set up sa akin.

Naghihintay ako sa pagbukas nang elevator nang biglang bumulaga sa harapan ko si Jianne. Nagkagulatan pa kaming dalawa nang makita ang isa't-isa. Subalit hindi siya nag-iisa. May akay siyang babae na mukhang lasing na lasing.

"N-nandito ka rin pala pogi! N-nice to see you a-" Mabuti na lamang at naagapan ko ang babae bago ito tuluyan mawalan ng malay.

"Mark, tulungan mo akong maihatid si Gabby sa kuwarto," wika ni Jianne na hindi malaman kung paano aalalayan ang kasama.

"I got her." Walang kahirap-hirap na pinangko ko ang walang malay na babae.


JIANNE

I feel relief. Buong akala ko talaga ay hindi kami makakaabot sa inupahang kuwarto. Sa elevator pa lang ay halos kaladkarin ko na ang kaibigan sa sobra niyang kalasingan. Hindi man lang siya nagtira pang-uwi. Napilitan tuloy akong mag-check-in na lang sa hotel kasama siya. Bukod sa hindi ko na rin kayang mag-drive para ihatid siya pauwi, ginamit ni Cass ang sasakyan ni Gabby para naman ihatid si Sonnie. Sa aming apat ay silang dalawa ang nag-enjoy ng husto.

"Hindi ba dapat nasa bahay ka na ng mga ganitong oras?" Mapanganib na tanong ni Mark mula sa aking likuran. Kahit hindi ako lumingon ay parang nakikinita ko na ang magkasalubong niyang mga kilay.

"Wala akong curfew. Besides, may dahilan naman ako para magpakasaya ngayong gabi. Hindi lang naman ikaw ang may karapatan na makipagparty."

"Happy Birthday, Jianne. Yeah, party-party again!" Hindi ko malaman kung nanaginip lang si Gabby o dala pa rin iyon ng kalasingan. Itinaas pa niya ang kamay habang nananatiling nakapikit ang kanyang mga mata.

"Matulog ka na. Bukas ka na lang ulit makipag-party-party," nangingiting sabi ko habang kinukumutan ang kaibigan.

"Oh shit! I forgot!" Bulaslas ni Mark na nagpalingon sa akin. "I'm sorry, Ji. Nakalimutan ko ang birthday mo."

COLD HEARTED CUPID  (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon