Chapter Two: New Year

120K 2.5K 82
                                    


Belated happy new year! Pagpasensyahan nyo na ako guys kung bakit late na naman ang episode na ito. Susubukan ko na lang bumawi sa susunod. World peace ^____^ Y


Chapter Two: New Year


JIANNE

"Bossing, nandyan 'yung mga amazona!"

Napalabas tuloy ako mula sa ilalim ng kotse at dismayadong napaungol. Kung kailan maraming kostumer sa talyer saka naman sila dumating.

"Kumpleto?"

Tumango si Bogard. "Kumpleto silang tatlo. Ano na ang gagawin natin, bossing?"

"Sabihin mo patatawarin. Tapos na ang pasko at sa susunod na taon na lang ulit sila manghingi ng aginaldo."

Napakamot ng ulo si Bogard. "Bossing naman! Wala ba kayong medyo maganda na pwedeng idahilan?"

"Sabihin mo na lang, wala ako." At muli akong nag-slide sa ilalim ng sasakyan upang balikan ang kinukumpuni. Kailan kong matapos iyon bago mananghalian.

"Pero bossing..."

"Bogard, nasaan ang amo mo?" Hindi ko na kailangan hulaan, boses iyon ni Sonnie. At kahit hindi siya magsalita ay makikilala ko pa rin siya dahil pamilyar na pamilyar sa akin ang paborito niyang black leather boots.

"A-ano po k-kasi..."

"Magsasalita ka ba o ibibitin ka namin ng patiwarik?" Boses naman iyon ni Gabby. Nang bigla na lamang may humatak sa mga paa ko palabas. Ang pamilyar na pokerface ni Cassandra ang tumambad sa akin. Matagal-tagal ko rin siya hindi nakita.

"Pinagtataguan mo ba kami, Jianne?" Nakameywang na tanong ni Sonnie habang nakatunghay sa akin.

Hindi pa ba obyus? Kung ilang beses kong sinubukan na iwasan at pagtaguan ang mga kaibigan subalit palagi na lamang akong nasusukol. Pati holiday ay wala silang patawad. Ano na naman kaya klaseng distraksyon ang hatid nila?

Tinulungan ako ni Cass na makabangon. "Bumalik na lang kayo sa ibang araw. Walang mag-aaccommodate sa inyo dahil busy lahat ng mga tauhan ko. Bukod doon, half-day lang ngayon ang talyer," mahabang lintanya ko sa pormal na tinig. Gusto kong ipakita sa kanila na seryoso talaga ako at ayokong magpaistorbo.

"Ouchy! Why are you so cold to us? Pag-eemote ni Gabby. "We all came here to greet you a happy new year."

Pinigilan ko ang pag-ikot ng mga mata. "Sana tinext nyo na lang ako. Nakatipid pa sana kayo ng gasolina ng mga motorsiklo ninyo."

"Sungit mo ngayon!"

"Heartbroken ka?"

"Don't tell me, binasted ka na ni Doctor Mendoza?"

"My god, Jianne! Candidate ka na sa pagiging old maid."

Tila may kung anong pumitik sa sentido ng mga oras na iyon. Sabi ko na ba at walang naidudulot na maganda ang pagsulpot nila sa talyer.

"Kung wala rin naman kayong importanteng sasabihin, mas mabuti pang umalis na kayo. Tsupi! Malas sa negosyo ang mga tambay." Napaatras sina Sonnie at Gabby nang ilapit ko sa kanila ang mga kamay na puno ng grasa. Hindi talaga ako magdadalawang-isip na ipahid iyon sa puting-puti nilang mga t-shirt kung hindi sila aalis.

"May drag racing mamaya."

Lahat kami ay napalingon sa kinaroroonan ni Cassandra. We knew her as the girl of a few word. Nagsasalita lamang siya kung kailan niya gusto.

COLD HEARTED CUPID  (Soon To Be Published)Where stories live. Discover now