Chapter Ten: Ignore

72.9K 1.7K 44
                                    

Chapter Ten: Ignore


JIANNE

"Jiji, okay ka lang?" Tanong ni Yuan na nagpaangat ng mukha ko. "Kanina ka pa walang kibo d'yan."

"I'm fine," tugon ko bago muling binalikan ang pagkain sa plato. Wala akong ganang mag-almusal ngunit kailangan ko pa rin kumain dahil magmula kagabi ay walang laman ang tiyan ko.

"Kailangan mong ipatingin ang sugat mo. Baka maimpeksyon."

Wala sa loob na tinignan ko ang nakabendang kamay. Mabuti na lamang at huminto sa pagdurugo ang sugat.

"Gusto mong samahan kita sa ospital?"

Mabilis akong umiling at tumayo. "Okay lang ako, Yuan. Aalis na ako."

"Magtatrabaho ka pa rin sa talyer?"

"Kailangan. Wala akong balak na magmukmok dito buong araw." Pilit akong ngumiti sa kabila ng pamimigat ng katawan. Paggising ko pa lang ay hindi na maganda ang pakiramdam ko.

"Hayaan mo na siya, Yuan," narinig kong wika ni Ate Lara habang papalabas ako ng komedor. Magmula kanina ay nakakapagtaka ang pananahimik ng kapatid. "Yuan, ang cute-cute mo!" Pinigilan kong bumulanghit ng tawa. Kaya naman pala, pinaglilihihan niya ang binata.

"Akina ang wrench!"

"Here!"

Mabilis akong nag-angat ng mukha nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon

"Yuan, this is a screw driver."

"Sorry." Agad niyang binawi ang nasa kamay ko at hinagilap sa toolbox ang gamit na hinihingi.

"Bakit nandito ka?" Kanina lamang ay si Joel ang kasama ko at nakakapagtaka na hindi ko namalayan nag pagdating ng binata. "Sinusundan mo ba ako?"

"Napadaan lang ako. Here."

"This is rachet." Muli akong sumimangot. Duda ako na nagsasabi siya ng totoo.

Napakamot ng ulo si Yuan. "I'm hopeless. Wala talaga akong future dito sa talyer mo."

"Mabuti at alam mo." Ako na mismo ang lumapit sa kinaroonan ng toolbox at kinuha ang kailangan.

"Jiji, bakit ikaw ang nagkukumpuni nito? Paano na ang sugat mo?"

"Hindi ka rin makulit no? Okay lang sabi ako! Besides, kulang ako sa tao. Wala akong ibang maaasahan."

"P'wede akong magvolunteer."

"No, thanks!"

"Hindi naman ako magpapabayad."

"No, pa rin!"

"Kahit libreng meryenda na lang," muling hirit ni Yuan. Nangingiting binato ko siya nang nahagip na basahan. Ngunit mabilis naman siyang nakailag. Pagkaraan ay luminga siya sa paligid na tila mayroon hinahanap.

"Nagawi na ba rito si Mark?"

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Bakit mo naman naitanong?"

"You need to tell him about what happened yesterday. Family niya ang involved at dapat niyang malaman iyon."

Iyon din naman ang naisip ko. Ang sabihin sa kanya ang tungkol doon. Sinubukan kong tawagan si Mark kanina ngunit hindi naman niya sinagot ang kanyang cellphone. Nagpadala na lang ako ng text message at sinabi ko na mayroon akong mahalagang sasabihin. Subalit hanggang ngayon ay wala akong natatanggap na reply mula sa kanya.

"May importante kang lakad ngayon, 'di ba?" Pag-iiba ko ng usapan at lihim na pinasadahan ng tingin ang kanyang suot na slacks at longsleeve. Bumagay sa kanya ang suot.

COLD HEARTED CUPID  (Soon To Be Published)Where stories live. Discover now