Chapter Twenty Nine: Help

50.1K 1.3K 61
                                    

Chapter Twenty Nine: Help


JIANNE

"Jianne, nakakagulat ka naman!" Sapo ni Trisha ang dibdib kasabay ng panlalaki ng mga mata. Hindi niya namalayan ang pagdating ko dahil doon ako dumaan sa backdoor sa kusina.

"I'm starving. May makakain ba d'yan." Lumapit ako sa fridge at kumuha ng orange juice.

"Don't tell me kagagaling mo lang ng drag racing?"

Hindi ako sumagot.

"I don't like to sounds like 'nanenermon', but Jianne-"

"Don't!" Agap ko sa sasabihin niya at binigyan si Trisha ng warning look. "Hindi iyan ang kailangan ko ngayon kundi pagkain."

"Fine! Pakakainin na muna kita bago kita sermunan." At naghain siya sa mesa ng daing na bangus, itlog na maalat with kamatis at sinangag. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at agad na sinunggaban ang mga iyon.

"May nadaanan ka naman Mcdonald, eh 'di sana roon na lang nag-breakfast!"

"Si Jared? Pumasok na ba sa trabaho?" Paglilihis ko ng usapan.

"He's sick. May trangkaso yata. Kaya nga pinapunta ko si-" Biglang nagliwanag ang mukha ni Trisha na tila mayroon naalala. "How's your date? May development na ba sa inyo ni Mark?"

Kung kanino niya nalaman ang tungkol doon, malamang kay Ate Lara. At katulad ni Trisha, ganon na ganon din ang reaksyon nina Mama at Papa. Hindi ko maipaliwanag ang kanilang excitement na para bang mayroon akong malaking achievement. Nagbiro pa nga si Papa na mukhang mapapasubo na raw siya na bumili ng minimithi kong sports car. Kung malalaman lang nila ang totoo, siguradong madidismaya lamang sila.

It's been a week and I never heard anything from Mark. Bagay na inaasahan ko na mula sa kanya.

"What?" Exagged na tanong ni Trisha. "Jianne, huwag mo na akong i-suspense!"

"I'm dating Kristofe." Actually, I was!

"Si Kristofe? Why him?" Gusto kong matawa sa nakikitang disappointment sa mukha ni Trisha.

"Bakit naman hindi? He's a good person and I like him."

"Paano na si Mark?"

Bagaman natigilan ay hindi ako nagpahalata.

"Hayaan mo na siya. Kung gusto niyang magpakatandang binata, wala tayong magagawa. I'm tired of him. Nakakasawa rin ang umasa at magmukhang tanga." Itinulak ko palayo ang plato at saka tumayo.

"Aalis ka na? Hindi mo pa nauubos ang breakfast mo." Naroon ang pag-aalala sa mukha ni Trisha.

"Pupunta lang ako ng restroom. Magdyi-dyinggel lang ako."

"Akala ko naman nawalan ka na nang gana."

"Kailangan ba ako tumanggi sa pagkain?"

"Huwag mong ibahin ang usapan. Si Mark ang topic natin."

"Hindi ba puwedeng pagkain na lang ang topic natin? Siguradong mabubusog pa ako."

Iiling-iling na binitbit ni Trisha ang mga hinandang pagkain sa tray at tinungo ang pintuan palabas.

"Cous, maiwan na muna kita. Dadalhan ko lang ng breakfast si Jared. Huwag kang aalis. Hindi pa tayo tapos!"

Pag-alis niya ay awtomatikong nawala ang ngiti ko sa mga labi. Anuman iwas ko, sa bandang huli ay nasusukol pa rin ako. Kung umamin na kaya ako kay Trisha? Makakatulong ba iyon para gumaan ang dinadala ko?

COLD HEARTED CUPID  (Soon To Be Published)Where stories live. Discover now